BOC Comm. Ruiz, epektibo ang pamumuno! Depcom Uy, congrats!

Madami ang mga tao na bumibilib sa pamumuno ng kasalukuyang Commissioner ng Bureau of Customs na si Commissioner Yogi Felimon Ruiz.

Napag alaman ng inyong lingkod na sunod-sunod na naman ang kanilang mga huli sa mga illegal na kargamento at disidido sila na wakasan talaga ang smuggling sa bansa.

Hindi na nagbibiro ang Administrasyon ni Pangulong Bong-bong Marcos, at ang utos niya kay Comm. Ruiz ay ipagpatuloy ang pagsugpo sa mga snugglers.

At siyempre hindi lang sa smuggling sila naka focus kundi kasama na rin ang pagtulong sa mga OFWs sa kanilang mga balikbayan boxes na natengga ng ilang buwan na inabandona nang makarating na sa Pilipinas nang pinag-padalhan nilang mga delivery company mula sa ibang bansa.

Noong nakaraang linggo ay inumpisahan ng Bureau of Customs ang Distribution ng mga natenggang mga Balikbayan Boxes at dumagsa sa Bulacan ang mga kaanak ng Overseas Filipino Workers na ilang buwan nang naghihintay na makuha ang padala sa kanilang balikbayan box. Ang mga kahon na galing sa Middle East ay napasama umano sa balikbayan box scam.

Ang mga bayarin ay inako ng BOC dahil hindi ibinigay ng inerereklamong freight forwarder ang mga bayad sa padala kaya naman libre at walang babayaran ang mga consignee.

Tinawagan ng mga taga-BOC ang mga may contact person na tatanggap ng mga balikbayan boxes na sinabing hindi bababa sa 4,000 balikbayan at naproseso ng maayos at na-encode ang mga package at natukoy na rin kung sino ang mga consignee.

Sabi nga ng Bureau of customs “BOC will not collect any fee for the delivery of balikbayan boxes.”

Pinangunahan ang pag distribute ng balikbayan boxes sa Pangunguna ni Admin Director Michael Fermin and Hepe ng ACDD sa MICP na si Chief Dolores Domingo dahil sa utos ni customs Commissioner Yogi Ruiz.

Kaya naman laking tuwa ng mga kababayan natin nang matanggap nilang ang kanilang balikbayan boxes na pinaghirapan ng kanilang mga kamag-anak na mga OFW.

Nangako rin ang BOC na tatapusin nila ang distribution sa lahat ng balikbayan boxes.

***** 

Kamakailan, nakipagpulong ang BOC sa Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) para talakayin ang mga collaborative measures.

Kabilang sa mga ito ay ang paglikha ng Balikbayan Box One-Stop-Shop at ang pagbalangkas ng inter-agency agreement sa pagitan ng DTI, Department of Migrant Workers, at BOC para itigil ang mga katulad na ilegal na aktibidad.

Bukod dito, inirekomenda ng BOC ang DTI-FTEB na suriin at amyendahan ang Philippine Shippers' Bureau (PSB) - Administrative Order No. 06 series of 2005; ibalik ang akreditasyon ng mga deconsolidator sa BOC, at magsampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga maling freight forwarder.

Ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay makikipagtulungan sa mga regulatory agencies gaya ng DTI-FTEB laban sa mga kahina-hinalang freight forwarder na patuloy na nanloloko sa mga OFW sa ibang bansa.

****

Dapat talagang magkaisa at magtulungan ang mga opisyales at empleyado ng Bureau of Customs para mas lalo pang umayos ang BOC.

Diba nakakainspired kapag ang nababasa o napapanood sa Telebisyon o napapakinggan sa Radyo at online Social Media na maganda ang ginagawa ng BOC.

Dahil sa pagtutulungan ng mga opisyales at empleyado ng BOC ay Inaasahan sa Bureau of Customs na makakakolekta sila ng mahigit P900 bilyong sa taong ito na lampas sa P733 bilyong target nila at epektibong magsasara sa P1-trilyong mark habang patuloy na muling nagbubukas ang ekonomiya. 

Sa sideline ng forum na inorganisa ng Italian Chamber of Commerce, nagpahayag ng kumpiyansa si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na magpapatuloy ang sunod-sunod na pag-overshoot ng BOC sa revenue goal sa natitirang bahagi ng taon.

Sinabi ni Comm. Ruiz “We can definitely hit our target, we can exceed it by around 30 to 32 percent”.

Target ng BOC na makakolekta ng P733 bilyon ngayong taon.

Kung maisasakatuparan, ang BOC ay maaaring makaipon mula P953 bilyon hanggang P968 bilyon para sa taon. Ito ay magiging 48 porsiyentong mas mataas kaysa sa koleksyon noong nakaraang taon na P646 bilyon.

Sa pagtatapos ng Setyembre, ang BOC ay nakabuo ng P638.7 bilyon, 36 porsiyentong mas mataas kaysa sa P470 bilyon sa parehong panahon noong 2021. Ito ay nasa 87 porsiyento na ng orihinal nitong target na P733 bilyon.

Mula noong Enero, nalampasan na ng BOC ang mga buwanang target nito. 

Kaya naman lalong pinagbubuti ni Comm. Ruiz ang pagtupad sa kaniyang tungkulin at inaasahan niya na ang lahat ng Port sa Pilipinas ang maabot nilang ang kanilang mga yearly target Collection sa taong 2022.

****

Binabati natin ang bagong Deputy Commissioner ng Bureau of Custom na si Maj. Gen. Juvymax Uy.

Isa ito sa mga magagaling na sundalo na may malaking ambag sa Pilipinas.

Ayon sa mga nakakakilala na kaibigan natin na sabi nila Gen Juvymax is a very good man & a highly professional retired AFP General and he is one of the most qualified for the IG position.

Among his fields of expertise with the Army/AFP were military doctrines, education & training, budget & programming, intelligence & field operations. He is a well-rounded military officer. His knowledge & skills, his professionalism, comportment & decorum prepare him accordingly for the challenges he will meet in CIQS, & will make him more able to contribute to the mission & functions of BOC. 

Bago siya na appoint ni Pangulong Bong-Bong Marcos, Si Maj. Gen. Uy ay nagsilbi bilang hepe ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central ng mahabang panahon hanggang sa siya ay magretiro ngayong taon at siya ay na assign sa ibat ibang Army units sa Mindanao.

Si Maj. Gen. Uy ay nagretiro noong May 21, 2022 matapos ang 37 taon niyang pagsisilbi sa AFP at miyembro siya ng Philippine Military Academy "Makatao” Class of 1989.

Kudos sa inyo Depcom. Uy! Welcome po sa BOC! Mabuhay po kayo!

****

BOC-CLARK hits October CollectionTarget! Congrats Dist. Coll. Lumontad!


The Bureau of Customs-Port of Clark has already exceeded its October collection target with an actual collection of P287,595,696.60 against its goal of P278,500,00.00 as of 4:30 p.m. today. 

As of writing, a surplus is recorded amounting to P9,095,696.60 or a positive deviation of 3.27%.

The collection as of October 25 alone is 12.33% higher than the actual collection of P256,038,749.72 in October 2021.

District Collector Alexandra Lumontad recognized the effort and collaboration of the port’s personnel in strictly implementing customs rules and regulations to collect lawful revenues.

The Port of Clark, under the guidance of Commissioner Yogi Filemon Ruiz, will sustain its effort to improve collection of revenues for the government in line with the directives of President Ferdinand Marcos, Jr.




Comments

Popular posts from this blog

MATA NI GAGAMBINO Ang Paglilinaw, Hindi Pagpaparusa: Ang Tamang Pag-unawa sa Show Cause Orders

VP Sara is country’s caretaker while Marcos is in Thailand for APEC 2022 Summit

BOC files criminal complaints against sugar traders