Tinubos tayo ni Jesucristo hindi upang maging malisyoso
NAKAUGALIAN na ng mga katolikong pilipino ang makipag-prusisyon tuwing semanta santa pero mas marami ang nanonood lang at nag-uusyoso sa daraanan ng prusisyon na ang binabantayan ay ang kamalian at paghusga sa tradisyon ng mga katoliko. Mga alagad ni Marites na lahi ni Herodes. He-he!
Karaniwang mga dating katoliko din na sumapi na sa ibang relihiyon ang lantarang tumutuligsa sa pagpuprusisyon at pagsasakripisyo ng mga debotong katoliko tuwing Biyernes Santo dahil lihis daw ito sa katuruang nasusulat sa bibliya. Naging matino ba naman sila ngayon sa bago nilang inaniban o naging judgemental?
Kinukondena diumano sa bibliya ang mga sumasamba sa anumang uri ng rebulto na ginawa lamang ng tao kaya ito ang ibinabato nila sa simbahang katoliko. Dapat palang ituwid ang maling tradisyon..eh! bakit iniwan nila ang mga kasapi nila sa simbahang katoliko na nagangailangan pala ng pagbabago..sino ngayon ang aakay sa kanila?
Mas malaking kasalanan ang abandonahin natin ang ating mga kapatid para sa pansariling kaligtasan at magtamasa ng kasaganaan gamit ang pulpito ng bagong tatag na simbahan. Hindi ganyan ang gustong mangyari ng Diyos sa sangkatauhan. Mas babagay na tawagin silang mga malisyoso at “puganteng tupa”.
Tandaan natin na namulat si Jesus sa pagiging hudyo at ang kinamulatang relihiyon ay Jewish Communal Service o Judaism ngunit siya ay kinondena ng simbahan dahil sa pagsasabi ng katotohanan at inakay niya ang libo-libong mga naliligaw na hudyo na naging hudyat para maging “sakripisyong tupa” siya ng Ama natin sa langit upang maging katubusan ng ating kasalanan. Kaya ba natin ang ginawa ni Jesucristo?
Comments
Post a Comment