Congratulations BOC Enforcement and Security Service!
Port of Zamboanga laban sa smuggled na!
Congratulation pala sa buong BOC Enforcement and Security Service sa kanilang 35th Annivrsary na ginanap noong nakaraang lunes.
Ang ESS ngayon ay pinapangunahan ng masipag at magaling na Director na si Col. Isabelo Tibayan III at ang kanilang Customs Police Division Chief ay pinamumunuan ni SPAS Jerry Arizabal na isa ring magaling at masipag na opisyal ng ESS at nasa ilalim ito ng Enforcement Group na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Atty. Teddy Raval.
Ang mga opisyales ng ESS ay nagkakaisa at nagtutulungan para makatulong sa pamumuno ng butihing Commissioner na si Comm. Bienvenido Rubio lalo sa Anti-Smuggling campaign ng BOC.
Kaya nama nitong nakaraang linggo ay ipinagdiwang ng Enforcement and Security Service ng Bureau of Customs ang ika-35th founding anniversary.
Sa kanilang Anibersaryo ay kinilala ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang malaking kontribusyon ng ESS sa pinalakas na mga hakbangin sa proteksyon sa hangganan ng Bureau.
Noong 2022, nakapagtala ang ESS ng 397 na nasamsam na mga kargamento na nagkakahalaga ng PhP 1.044 bilyon. Para sa unang quarter ng 2023, nasamsam ng ESS ang 81 shipments mula Enero hanggang Marso, na may tinatayang halaga na PhP 999.474 milyon.
Kinilala rin ni Comm. Rubio ang kontribusyon ng ESS sa matagumpay na pagpapatupad ng Fuel Marking Program. Ang BOC, sa pamamagitan ng ESS, ay nagmarka ng 18 bilyong litro ng mga produktong petrolyo noong 2022 at 4 na bilyong litro mula Enero hanggang Marso 2023.
Sabi ni Coom Rubio “With this kind of performance, the ESS is evidently of great help and is necessary in attaining our 5-Point Priority Program. Crafted through 35 years of existence, the ESS remains not only in the forefront of border protection but also of strictly implementing security measures that ensure the safety of the entire Customs community,”.
Kinilala sa anibersary ang mga deserving offices at personnel ng ESS, kabilang ang ESS Motor Vehicle Monitoring and Clearance Office under Capt. Rodrigo Gonzales, Environmental Protection and Compliance Division under CCOO Paul Ditona, ESS Quick Reaction Team under Maj. Billy Anciro, at ang Customs Firearms and Explosives Unit under SAII Jonathan Belmonte, Customs Anti-Illegal Drug Task Force under Maj. Ernesto Pracale at Water Patrol Division under SPAS Edgar C. Paule.
Binigyan din ng Award si SAII Marcelino Sison bilang Special Agent of the Year, Capt. Arnel Baylosis bilang Officer of the Year at Jon Ramon Dabasol bilang Non-Uniform Personnel of the year.
Binigyan din ng mga parangal sa serbisyo ang mga magreretirong ESS kagaya ni CCOO Paul Ditona, Capt. Angelito Cruz, Capt. Cesar Albano, SAII Hermie Hicban at SAII Rolando Aris.
Sa talumpati ng buting Comm. Rubio, nagsimula siya sa kanyang karera bilang Special Agent sa ESS. Ang posisyon sa entry level ay nagbukas ng maraming platform para sa Komisyoner upang mapabuti ang kanyang mga kakayahan at matutunan ang mga lubid sa Bureau.
“Ito rin ang dahilan kung bakit lubos kong nauunawaan ang mga hinihingi ng pagiging nasa ESS, dahil mayroon itong napakaraming tungkulin na dapat gawin sa loob at maging sa labas ng Bureau of Customs. At ang mga tungkuling ito ang ipinagdiriwang natin sa okasyon ngayon,” sabi ni Commissioner Rubio.
Sa ngayon, ang ESS ay patuloy na nagpapatupad ng mas mataas na mga hakbang sa seguridad upang makamit ang kanyang misyon na protektahan ang mga pambansang hangganan at pangalagaan ang mga kita ng gobyerno, na naaayon sa priority program ni Commissioner Rubio at bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Mabuhay ang buong Enforcement and Security Service and Congratulations sa lahat!
*****
Nitong karaang linggo ay may nahuli ang Bureau of Customs Port of Zamboanga ang isang unit ng motorized wooden watercraft na “Jungkong” na may kargang 141 master cases ng undocumented cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng PHP 4.9 million sa
isang joint apprehending team na binubuo ng BOC-POZ Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) personnel kasama ang PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC).
Ang apprehending team ay nagsagawa ng seaborne patrol operation sa kahabaan ng katubigan ng Barangay. Arena Blanco sa Zamboanga City at naharang ang sasakyang pantubig na nagdadala ng mga ipinagbabawal na produkto.
Ang sasakyang pantubig na gamit ng apat na tripulante ay mula Parang, Sulu, ay nagmula sa Jolo, Sulu, at patungong Zamboanga City.
Kaya naman nung hinanapan ang apat na tripulante ng
mga legal na dokumento ay wala silang maipakita. Ang mga master case ng sigarilyo ay nahuli sa paglabag sa Section 117 ng R.A. 10863 o ang “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Executive Order Number 245 na pinamagatang “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products.”
Comments
Post a Comment