P400-M shabu, nasabat ng tropa nina Atty. Mangaoang!
Matindi! Nakakagulat! Grabe! Terible! Kamangha-mangha!
Ito ang mga salitang agad pumasok sa isip ko dahil sa pagkamangha habang sinusulat ang nakakabilib na balita ukol sa pagkasabat ng tropa nina Bureau of Customs, X-Ray Inspection Project (BOC-XIP) Unit Chief, Atty. Ma. Lourdes "Des" Mangaoang sa mahigit P400 milyong halagang shabu na tangkang ipuslit sa Paircargo Warehouse, Pasay City noong March 20, 2023.
Sa kanyang ulat kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, sinabi ni Atty. Mangaoang, ang shabu shipment o kilala rin sa tawag na "methamphetamine hydrochloride" ay aabot sa 58.63 kilos. Idineklarang spare parts at galing Conarky, Guinea. Dumating sa bodega ng Paircargo nito lamang nakalipas na March 15.
Nakita ang imahe ng droga na nakalagay sa limang (5) yellow boxes nang lumitaw sa NAIA-X-ray machines habang ipinatutupad ni Customs examiner Gary Burgos ang 100% physical examination o regular X-ray screening para sa mga kargamento sa naturang bodega.
Sa pagsisiyasat, natuklasan ang nagpadala ng shabu ay nakilalang si Diallo Sandaly ng Sonfonia Commune de Ratona Conarky, Guinea. At sinasabing ang consignee ay si Eduard Fajardo ng #149, Scout Limbaga Street Sacred Heart, Quezon City.
Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinakamalaking nasakoteng shabu sa bakuran ng Customs-NAIA sa pamamagitan ng kampo ng XIP na pinamumunuan ni Atty. Mangaoang ngayon taon.
At ito rin ang pinakamalaking bulto ng shabu na tinangkang palusutin sa bodega ng Customs-NAIA. Walang dudang maitatala na naman sa kasaysayan ng Customs ang kahanga-hangang accomplishment ng tropa ng XIP.
Mabuti na lang ay nakontrol ang mga shabung ito. Napigilan ang pagbaha sa merkado. Napilayan ng grupo nina Atty. Mangaoang ang sindikatong nagpaparating ng illegal drugs sa NAIA.
Pero ang naging malaking palaisipan sa akin, saan kumukuha nang lakas ng loob ang mga indibiduwal na inbolb sa tangkang pagpupuslit ng mga shabung ito?
Nakakagulat kasi ang laking halaga at dami ng bulto ng mga shabu na nasabat. At kung pag-iisipan mabuti, mukhang bihasa ng magpuslit at malaki ang kumpiyansa ng mga taong nasa likod ng tangkang pagpuslit na kanilang mailulusot ang shabu shipments palabas ng Paircargo.
Posible kayang malaking organisadong sindikato ng droga at may kasabwat sa loob ng Customs ang mga taong responsable sa pagpapalusot ng natimbog na mga shabu?
Sa palagay ko, makaraang matimbog ang shabu shipment na ito, indikasyon nagkaroon na ng katapat sa katauhan ni Atty. Mangaoang ang notoryus na sindikato ng droga na aktibo ang operasyon sa Customs-NAIA.
At dahil nga si Atty. Mangaoang ang hepe ng XIP, matutuldukan na ang masayang mga araw ng drug smugglers sa bakuran ng paliparan. Kasi, siguradong bago pa maipuslit, timbog na ang lahat ng palusot na iligal na droga sa mga puerto ng Customs. Tama o mali?
Patuloy ang imbestigasyon at arestado na si Eduard Fajardo, consignee ng shabu shipment. Subalit sinasabing si Fajardo ay binayaran lang raw ng P5,000.00 upang magpanggap gamit ang pekeng Voter's ID. Aba, e, mukhang pekeng Fajardo pala ito? Tsk, tsk, tsk!
Congratulations sa Customs-XIP, especially kay Atty. Des Mangaoang. Keep up the good work and more power. Mabuhay kayong lahat, mga Bossing!
Comments
Post a Comment