Nangangamoy giyera na..magdasal na lang tayo!
NAKAKAALARMA ang pagpapalakas ng puwersa ng European Union at U.S.A. sa karagatang malapit sa Pilipinas magmula nang pagharian ng China ang West Philippine Sea na ang maaring ang talagang pangunahing intensyon ay duruin ang bansa natin at ang maasensong bansa ng Taiwan na humiwalay sa kanila at tumalikod sa ideolohiyang komunismo. Nangangamoy giyera na talaga!
Kaiba naman ang problema natin sa mismong kababayan nating mga armadong New Peoples Army (NPA) sa ilalim ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF)na sa loob ng 53 taon ay nakikibaka at nagsusulong naman na maging komunista ang bansa natin. Heto na ang totoong giyera..labas na!
Nagsimula ang pangamba ng buong bansa nang magtayo ng base militar ang Komunistang China sa Kagitingan Reef sa West Philippine Sea na una nang pinagtibay ng United Nation Convention on Law of the sea (UNCLOS) na ito ay sakop ng bansa natin. Wala namang magawa ang Arroyo, Aquino at Duterte Administration dahil wala naman daw kakayahan ang Pilipinas na labanan ang puwersa ng China. Kung dekwatan lang sana ang labanan siguradong talo sila. he-he!
Naka-alerto na ang Japan, U.S.A. at European Union sa maaring maging takbo ng hidwaan ng Russia at Ukraine na bagama’t magkadugo ay humantong sa giyera mula ng magdesisyon si Ukraine Pres. Volodomyr Zelenskyy na umanib sa North Atlantic Treaty Organization(NATO) na binubuo ng 30 malalaki at makapangyarihang mga bansa.
Kapag natuluyan ang giyera sa pagitan ng China at Taiwan ay hindi malayong madamay tayo sa kaguluhan kaya maghanda na tayo ng mabisang dasal dahil wala naman talaga tayong kakayahan sa nuclear war. Mabuti kung sabong, billiard, basketball at boxing ang labanan. T’yak na may panalo tayo!
Malamang na mananalo na rin tayo sa giyera laban sa mga smugglers, drug syndicates at illegal gambling operations kapag sumiklab ang World War 3. Sa bigat ng pera nila ay hindi makatakbo ng mabilis ang mga loko kaya una silang matotodas. Orayt!
Naging malaking usapin rin ang ginagawang pagbawi ng Russia sa bansang Ukraine na kalahi rin nila at nagsimula lamang ang matinding alitan nina Russian president Vladimir Putin at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy dahil gustong umanib ni Zelenskyy sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) na kinabibilangan ng 30 bansa kabilang ang European Union at U.S.A. na inaasahang ikapepiligro ng Russia.
Hindi masama ang pagtatayo ng ng U.S. Military bases sa apat na sulok ng Pilipinas kung ang dahilan ay upang dumipensa sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo. Siguruhin lamang ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi tayo napapasailalim na muli sa kapangyarihan ng kakamping dayuhan bagkus ay maging kalakasan natin ito sa ibayong kasarinlan. Nagpapaala-ala lang po!
May problema pa rin tayo sa mismong mga kababayan nating mga armadong NPA na lantarang lumalaban sa gobyerno dala ang hiram na ideolohiya ng komunismo. Wala pang malinaw na solusyon upang abandonahin nila ang kanilang ipinaglalaban.
Comments
Post a Comment