PISTA NG PATRON STO. NINO DE TONDO SINUPORTAHAN NI CPCG ADMIRAL ARTEMIO M ABU

 Mga katoto ang pista ng patron ng Sto. Nino de Tondo ay sadyang dinudumog o dinarayo ng mga deboto at  panatikong tao tulad din ng patron ng Itim na Nazarena s simbahan ng Quiapo Maynila kung saan ayon sa nakagisnan ng mga namamanatang mga deboto ay milagroso ang banal na patrong ito. Kung saan nagpadama ng milagro ito ng ninakaw ang imahin nito sa mismong altar ng simbahan ng Tundo   noong Agosto 2, 1980. Umulan ng 7 araw na singkad kung tawagin “siyam siyam” halus bumaha ang buong distrito ng tundo. Tuluyan lang napawi ito ng may nagpaanod sa baha ng bahagi ng katawan ng banal na imahen at muling nabuo ito sa pamamagitan ng Unang Ginang Imelda R.Marcos.

Bigyan natin mga katoto ng pahapyaw na ksaysayan ang ilang dekadang pagkakagawa ng naturang simbahan ng Tundo sa pusod ng Maynila, kung saan ayon sa kaysaysayan  ito ay nagiba noong taong 1662 at muling nabuo ito noong kalahatian ng 19th century, na ipinatayo nila Rev. Manuel Diez O.S.A. at Rev. Casimiro Herrero O.S.A.  kung saan dito nagsimula ang fluvial procession o “pagoda” ng patron STO. NINO DE TONDO na lubhang nakakaakit sa mga libu-libong dumadayong mga panauhan sa Tundo.

Para sa kaalaman ng lahat ang pagoda ay ang prusisyon inililibot sa tabing dagat ang patrong Sto. Nino mula sa simbahan at ilalapag sa kalye Vitas at patuloy na ipupursisyon patungong simbahan ng Tundo. Dito rin nanirahan at bininyagan si Lakan Dula kung saan ang nagbinyag dito ay si Rev. Martin De Rada        

Tagumpay at masayang naidaos ang kapistahan ng mahal na patrong STO. NINO DE TONDO nitong Enero 15, 2023 particular sa aming barangay sa Brgy 85 Sona 7 kung saan ay naghandog ang butihing Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) ADMIRAL  ARTEMIO M ABU ng isang bandang musiko ang PCG SYMPHONIC BRASS BAND sa tulong ni Brgy Ex-Chairman PASKY NATIVIDAD at SK ZONE CHAIRMAN RAFFY NATIVIDADV AFAN na higit na nagdulot ng kasiyahan sa naturang kumyunidad kung saan ay sinabayan ng mga palarong pambata at Party Fiesta ng mga kabataan na pinamunuan ni Hon. SK ZONE CHAIRMAN RAFFY NATIVIDAD AFAN.

Nauna rito, dispiras ng kapistahan nagkaroon din ng Mini-Sunolog Festival sa tulong ng aking kumareng Ex-Chairwoman Nene Lopez Ching at ng anak nitong si Don Robert na siya namang tumulong sa MS. GUY contest at iba pang mga palabas na napanood ng mga taga barangay.

Maraming salamat sa mga kaibigan tumulong higit sa lahat kay CG Admiral Abu at handog nitong banda ng mosiko ang Philippine Coast Guard Symphonic Bross Band!!! Mabuhay ang kapistahan ng Patrong Sto. Nino De Tondo!!! Mabuhay tayong lahat mga katoto!!!      

Masayang pinagunahan ni Ex-Chairman PASKY NATIVIDAD (kaliwa)at Brgy Zone 7 President SK Chaiman RAFFY NATIVIDAD AFAN (kanan) ang handog na mosiko ni Coast Guard Commandant ADMIRAL ARTEMIO M ABU ang Philippine Coast Guard Symphonic Brass Band, na pinamumunuan ni CG PO2 Mark Nuque, alay sa kapistahan ng Patron Sto. Nino De Tondo, Enero 15, 2023, sa Barangay 85 Zone 7 District 1, Tondo Maynila. 






 




Comments

Popular posts from this blog

BOC-ESS celebrates its 35th anniversary