GOODBY 2022, WELCOME 2023,MALIGAYANG BAGONG TAON SA MGA KATOTO!!!

 SUMAATIN NAWA ANG PAGPAPALA NG ATING PANGINOONG DIYOS! Bukal sa aking puso mga katoto ang pagkasambit kong ito sapagkat sa karanasan ng aking buhay ay hindi ako aabutin ng mahigit na dalawang dekada bilang mamahayag sa diyario at radio program hanggang sa maging online tv broadcast na kung saan ay napapanood na sa FB at YOUTUBE sa buong bansa hanggang sa maging LIFETIME Member ang inyong katoto sa National Press Club (NPC).

Kaya mga katoto sapat na bonus na ang ipinagkaloob ng ating Panginnoong Diyos sa magandang buhay na inyong katoto, pinalad na makapagtapos sa pagaaral ang aking 6 na anak at may knikaniyang maayos na buhay ang kanilang pamilya, bagamat pangkaraniwang pamilya ang aming katayuan sa buhay ay lubos na nagpapasalat kami sa ating Panginoong Diyos at patuloy na pinagpapala niya ang buo naming pamilya, ang tagubilin ko lang mga katoto, wag susuko sa mga pagsubok sa buhay, laging manalangin at magpasalamat sa Diyos bago matulog sa gabi at pagkagising sa umaga, kaya walang imposible sa ating Panginoong Diyos mahal niya tayong lahat, kaya manalig at sumampalataya sa ating Panginoong Diyos, tatamasahin din ng aking mga katoto ang pagpapala ng ating Panginoong Diyos. In mighty name of Jesus amen!!!

Gayon din sa naging beat ng inyong katoto simula noon hanggang sa kasalukuyang ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Immigration and Deportation (BID), Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at PNP National Capital Region Police Office(NCRPO). Malaking pasasalamat sa karanasang aking natutunan sa mga ahensiya ng ating pamahalaan na tuloy-tuloy kong nasusuportahan sa mga inuulat na mga balita at mga taong nakakahalobilo dito na kung saan ang iba ay pawang nagretiro na at ang iba ay yumao na, gayon din sa aking mga nakasamang bago at matagal na rin mamahayag, tulad ng naging sitwasyon, kung saan ang iba ay nagretiro na at ang iba ay yumao na rin. Sanay patuloy na lumawig pa ang relasyon ng ating samahang mga mamahayag gayon din ang mga kawani ng ating pamahalaan ngayong taong 2023 at sa habang buhay nating pagsasamasama!!! Mabuhay tayong lahat!!!

                                                                                        ####          

   MORNING WATCHERS BORN AGAIN NAMAHAGI NG BIGAS AT DELATA SA MGA YAGIT NA PAMILYA

Mga katoto kamakailan mkalipas ang araw ng kapaskuhan ay napusuan ng grupo ng Morning Watchers ang mga yagit na pamilyang namamahay sa loob ng bakuran ng Cementeryo Del Norte sa Blumentrit St. Sta Cruz Manila na bahagian ng tig 2 kilong bigas at de latang Maling kung saan umabot sa bilang 50 pamilya ang natulungan bigyan ng ayuda.

Ito ay nakagawian ng bigyan ng ayuda ng Morning Watchers sa tuwing sasapit ang kamatayan ng aking anak na yumao si LITO “BUTCH” NATIVIDAD makalipas ang 9 na taong singkad nitong Disyembre 27, 2022. Sadyang karpatdapat na tulungan ang ganitong uri ng pamumuhay mga katoto,kaalinsabay nito nagtungo din ang samahan sa GOLDEN GAY, isang bahay kalinga ng mga matatandan kapus palad na mga bakla kung saan namahagi din ito ng isang kaban o sakong bigas at kaunting grocery.

Kaya dapat pasalamatan ang Morning Watchers na pinamumunaun ni Pastora Barbette Pangilinan, Mia Natividad (maybahay ni Lito “Butch”Natividad), Aida Melgar, Irene Abulencia, Lolita Dela Cruz, Aurea Lograta, Jona Caylo, at Lailani Cui. Maraming-maraming salamat sa inyong walang patid na panalangin at pagtulong sa mga taong nangangailangan ng ayuda, pagpalain nawa kayo ng Dakilang Diyos Ama sa langit sa pamamagitan kanyang anak si Jesukristong ating Panginoon!!!  


Nasa larawan ang grupo ng MORNING WATCHERS, kung saan pimumunuan ni PASTORA BARBETTE PANGILINAN  kabilang ang 50 maralitang pamilya na tumanggap ng ayuda 2 kilong bigas at delatang Maling na naninirahan sa loob ng bakuran North Cemetery sa Blumentit St. Sta. Cruz Maynila.  Pasky Natividad





Comments

Popular posts from this blog

MATA NI GAGAMBINO Ang Paglilinaw, Hindi Pagpaparusa: Ang Tamang Pag-unawa sa Show Cause Orders

VP Sara is country’s caretaker while Marcos is in Thailand for APEC 2022 Summit

BOC files criminal complaints against sugar traders