Coll. Martin, strikes again; P81.7-M agri products tinimbog
PANIBAGONG batch na naman ng tone-toneladang misdeclared agricultural products, kabilang ang "Red Onions" na tangkang ipuslit ang tuluyan nang kinumpiska ni Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS) District Collector Marites "Meeks" Martin pagkatapos masabat sa serye ng anti-smuggling operations ng kanilang tropa noong nakaraang December 23, 2022.
Walang dudang maitatala na naman sa mayamang kasaysayan ng Customs ang kapuri-puri at nakaka-wow na accomplishments ng Team POS. Ayaw talaga maglubay ng mga kontrabandista. Pero nakakabilib na hindi rin sila (smugglers) tinatantanan ni Coll. Martin na bukod sa palaban at agresibo ay epektibo ang anti-smuggling campaign sa bakuran ng POS.
Sa kanyang ulat kay BOC Chief, Yogi Felimon Ruiz, sinabi ni Coll. Martin, ang illegal shipments na aabot sa P81.7 milyong halaga ay nakapaloob sa 9X40 container vans. Ito ay sinasabing bahagi ng kabuuang 44 containers na inalerto bago sinamsam noong December 5, 9, at 10 na galing sa China.
Matatandaang nag-isyu ang Team POS ng 17 Alert Orders at Pre-lodgment Orders laban sa "kahina-hinalang" mga kargamento, partikular ang Asterzenmed Inc. and Victory JM Enterprise OPC. Sinasabing ilang araw rin nagsagawa ng eksaminasyon sa mga containers ang team POS.
Sinabi pa ni Coll. Martin, sa 44 container vans, ang 24 ay nadiskubreng Asterzenmed Inc. ang consignee habang 20 ang naka-consigned sa Victory JM.
At matapos makumpleto ang eksaminasyon at imbentaryo, iniulat na ang 5 containers na consigned sa Asterzenmed Inc. ay naglalaman ng frozen items gaya ng shabu-shabu balls, whole mackerel, boneless buffalo meat, boneless beef (anglo).
Samantalang ang 4 containers na idineklarang bread (pastries), naka-consigned sa Victory JM ay natuklasang mga Fresh Red Onions, sandamakmak na Mantou, at French bread na tinatayang nasa P81,710,550 milyong halaga.
Gayunman, kasalukuyan nagsasagawa ng 100 porsiyentong eksaminasyon ang Team POS sa mga nalalabing 35 containers kaya naman inaasahang madadagdagan pa ang binanggit na halaga. Kasabay nito ang pagpapalabas ng Warrant of Seizure and Detention kontra sa nasabing imported na mga produkto dahil sa paglabag sa mga batas, panuntunan at regulasyon ng Customs.
Kaagad rin isasagawa ang pagsasampa ng smuggling cases laban sa consignees ng shipments kaugnay ng kanilang paglabag sa Department of Agriculture Administrative Order No. 18 series of 2000 and Department of Agriculture Department Circular No. 4 series of 2016 in relation to Section 1113(f) of the Republic Act No. 10863 of the Customs Modernization Tariff Act (CMTA).
Gayundin ang paghahanda para sa ikakasang kaso na posibleng kakaharapin ng consignees dahil sa paglabag sa Department of Health – FDA Administrative Order No. 2020-0017, Department of Agriculture Administrative Order No. 9 series of 2010, and section 117 in relation to Section 1113(f) of the CTMA.
Kahanga-hanga ang ipinapakitang gilas sa paglilingkod ng alertong Team POS, sa totoo lang! Hindi kailanman "natulog sa pansitan" ang tropa. Maipagmamagaling talaga ang kanilang kahusayan at katapatan sa pagganap sa tungkulin.
Sa katunayan, kung matatandaan ninyo, naunang nasabat ng tropa nina Coll. Martin ang aabot sa P20 milyong halagang red and white onions at carrots noong December 6 mula sa China.
At kung maalala pa ninyo, umaabot sa P362 milyong halagang tone-toneladang agri products, na pagkaraang masabat at kumpiskahin ay mabilis pinasunog ni Coll. Martin sa isang waste disposal area sa Porac Pampanga noong 2021.
Congratulations, Coll. Martin at team POS! Keep up the good work and more power, mga Bossing! Kakaiba talaga ang husay, galing at katapatan ninyo para sa pagbibigay ng proteksyon sa interes ng ating gobyerno. Mabuhay kayong lahat!
Comments
Post a Comment