2022 TARGET COLLECTION NG BOC SWAK NA SWAK MGA NANINIRA SA BOC DESPERADO NA BOC ACTION AGAD, MGA ILLIGAL HULI! SMUGGLING NG LANGIS AT IBA PA!
“Ang Kapayapaan at Pag-unlad ng isang Bansa ay maangkin lamang sa pamamagitan ng ating PAGPUPUNA, ngunit kung tayo ay patuloy na MANAHIMIK na may Kasamang TAKOT, asahan mo tayo ay A-APAK-APAKAN lamang, may Posibilidad pang mawawala ang ating ini-ingat ingatang DEMOKRASYANG BANSA!”
WOW, CONGRATULATION mga ka’Aduana at
Ka’Mata sa buong BOC sa pangunguna ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa
napakataas na surplus ng kanilang target collection sa nakalipas na taon 2022.
Ayon sa ating nasilip mga ka’mata,
aabot sa P141.409 Billion ang surplus nila sa 2022 mula Enero hangang December, sa status ng kanilang collection record, ang
BOC ay nakakolekta ng umabot sa P862.929 Billion kompara sa kanilang target collection
2022 na P721.52 Billion, kaya may 19.6% ang taas nito.
Ngayon isang sampal ito sa mga kontra
sa pamumuno ni Comm Yogi na minamaliit nila ang kanyang kakayahan, ganon paman
tuloy lang si Comm. Yogi sa pagtupad sa mga
utos ni PBBM sa kanya bilang hepe ng Aduana.
Marami pa siyang ipatupad na mga
proyektong gustong ipagawa sa kanya ni PBBM upang maging maayos lang ang buong
Aduana, kaya lahat ng mga nakaupo sa bawat District Port sa bansa ay kanya itong
pinagsabihang sundin ang tama iwasan ang masangkot sa ano mang milagro
katiwalian sa aduana.
Mula sa buong staff ng Mata ni
Gagambino at Mata ng Agila sa ADUANA, kami ay sumasaludo sa inyong katatagan,
CONGRATULATION KA’ADUANA.
KONTRA BIDA SA BOC DISPERADO/DISPERADA NA!
Kahit saan angulo mga ka’mata
ka’aduana naghahanap ng ibat ibang paraan ang gusting magpatalsik kay Comm
Yogi, nariyan ang apat na klase ng Media (tv/radio/tabloid at ocial Media) na
walang ibang ginawa kung hindi binabaliktad o salungat sa totoong kaganapan ang
kani kanilang iahahatid sa mga nakikinig, bumabasa, at nanonood sa kanila
katumba umano sa malaking halaga o pangako kapag natanggal na si Comm Yogi!
Ating napag alaman na mismong naa
loob pa ng aduana ang ilan na sumuuporta upang siraan I Commissioner at ang
ilang naman ay yaong atat na atat na makaupo bilang hepe nga ng aduana, ang
masakit nito mismong nasa aligid lamang ni comm ang kadalaan, kaya nasabi tuloy
ng ating mata PLASTIC sa harap DEMONYO kung tumalikod.
BOC ACTION AGAD, HULI DITO - HULI DOON 2023!
1)
PORT
NG SUBIC
Sa katunayan, sa bahagi nang serye ng
epektibong sistema ng anti-smuggling operations ng kampo ni Coll. Martin,
naitalang noong nakalipas na buwan ng Disyembre, ang BOC-POS ay nakasabat bago
tuluyang kinumpiskang 56 container vans agri products na aabot sa P529 milyong
halaga. Kabilang sa nakumpiskang containers ay naglalaman ng white onion,
frozen meat at isda.
Gayundin ang kanilang 24/7 na
isinasagawang koordinasyon sa Department of Agriculture at Samahang Industriya
ng Agrikultura (SINAG) na binubuo ng mga aktibong grupo ng magsasaka para sa
paglaban ng sinasabing smuggling sa loob ng kanilang pantalan.
At matatandaang matapos ang
eksaminasyon ng Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office
sa mga nakumpiskang kontrabando noong Disyembre 6, 2022, napatunayang ang
imported shipment na nakapaloob sa isang 40-footer container van ng Veneta
Consumer Goods Trading na “labelled as assorted consumable frozen carrots” ay
natuklasang naglalaman ng puting mga sibuyas at frozen fish and meat.
Nadiskubre rin, ang dalawang
40-footer container vans na idinaklara ng Lalavy Aggregates Trading na
naglalaman ng frozen lobster balls and crabstick ay lumitaw sa pagsusuri na mga
fresh red and white onions.
Ang naturang kumpiskadong mga
agricultural products ay nagkakahalaga ng mahigit sa P20 milyon. Bukod pa ang
nasamsam na P81 milyong halagang agri products na nakalulan sa 9X40 vans noong
December 23, 2022. O, 'di ba ang galing ng tropa ni Coll. Martin. Tama ba ako,
Reynold Panganiban?
2)
PORT
OF BATANGA
Umabot sa P261 Million halaga ng
smuggling na Asukal ang hinuli ng Port ng Batangas, isang barko na MV SUNWARD
ang may karga ng Puting Asukal mula sa bansang Thailand na umabot ng 4000
metric ton ang laman ng asukal.
Ayon sa ating natangap na imfomasyon
nasa area nan g ating bansa ang naturang barko na walang abeong darating, kaya
nakalabag sa ating batas, sa Custom nang tignan ng ating operatiba aabot sa
8,000 bags ang na repack na.
Si District Collector Ma. Rhea
Gregorio ay nag isyo agad ng WSD o warrant of Serzure Detention ayon sa
violation sa section 117 and section 1113 sa CMTA.
3)
Port
Of Manila
Sa outside Metro Manila, isang barko
ang nasilip ng Aduana IG group hahaha sa Zambale area, nalaman natin na ang
barko na M/V Van Knight isang foreign
vessel na naglalaman ng 25t Tons nickel
laterite Ore at estimate halaga nito ay nasa P37 Billion.
Ayon sa ating mata wala umanong Export
Permit at ECC o Environmental Compliance Certuficate na galling o issued by
DENR Department of Environment and Natural Reources.
Kaya si District Collector Michael
Vargas ay nag isyo agad ng WSD Warrant of Serzure Detention ayon sa violation
sa Section 1113 ( Property Subject to Foreitureb) and Section 1401 (Unlawful
Impoetation and Exportation) sa RA 10863 or CMTA.
4)
Port
Of Davao
Hindi naman pahuhuli ang Port ng
Davao sa paghuli, matapos nilang Hulihin ang isang Oil Tangker na naglalaman ng
illegal raw na langis, ito sunod sunod naman ang kanilang paghuli ng mga
illegal na pumapasok sa kanilang AOR.
Ang pinakahuli ay ang nagkakahalaga
ng PHP150T nag iligal na cigarettes na
pumasok sa Davao City mula cotabato-lanao area at nasabat ito sa purok 14,
Lubogan, Toril, Davao City noong January 3, 2023.
Agad namang nagpalabas si District
Collector Erastus Sandino Austria ng WSD Warrant of Serzure Detention ayon sa
violation sa Section 1113 ( Property Subject to Foreitureb) at secion 117 and
Section 400 sa RA 10863 or CMTA.
5)
Port
of NAIA
Hindi lamang yan mga kamata mas
matindi ang ginawa ng NAIA halos araw-araw may nahuling mga iligal sa naturalng
paratingan, ma agri product at druga walang tigil ang mga operatiba natin
walang pagod sa paghuli sa halos mga pinaghihinalaang illegal.
6)
Port
ng Zamboanga
Sa pinakadulo ng ating bansa ang Port
ng Zambanga isa sa walang tigil sa paghuli ng mga illegal na pagpasok ng mga
yosi sa bansa, unang buwan pa lamang ay nanghuhuli na sila, ayon kay District
Collector Jun Barte hlos araw araw may pumapasok sa kanilang AOR na mga illegal
kaya nagpapatulong na sila sa mga PCG, NAVY, PNP, AFP at iba pang mga operatiba.
Ngunit kahit araw araw ay hindi pa
rin natigil sila sa pagpapasok ng mga illegal dahil talagang kasama na ata sa
kanilang panganbgalakal ang ganito, tanging magagawa lamang ng Aduana ay sila
kausapin na gawin nilang Legal ito at magbayad ng tamang buhis.
MGA SMUGGLING RAW NG LANGIS AT IBA PA!
Sa ginanap na senate hearing kung
saan ay pinag uusapan ang mga smuggler at lumabas ang mga pangalang “ALAN UY”,
LINDON TAN, “ALEX CHUA”, BURGS BILAGO, “JONG MANGUNGUDATO”, DONNDON ALAHAS at iba pang mga smuggler raw ng OIL sa bansa.
Lahat ng iyon na pinangalanan ng
isang senador hindi kilala ng taga Aduana , bakit? Sa ating pagkakaalam,
tanging nasa file entry name lamang ng taga BOC ang dapat na kanilang kilala,
so kung ang isang persona na wala sa kanilang file eh sempre hindi ito kilala,
akin lamang yan ha!
Dagdagan natin, papaano makilala ng
taga BOC eh halos nagpupunta sa tanggapan ng BOC AY HINDI NAMAN NILA INILALAGAY
ANG MGA NAME NG MGA ITO? Sana mali ako! Maliban lamang kung ito ay may kaibigan
na taga BOC, media, MAMBABATAS, O ANO MANG OPERATIBA ng ating bansa ay makilala
sila! Muli sana mali ako.
Saganang akin po mga kamata kaaduana,
magpakatotoo naman tayo, napuna ko po kay Senador Tulfo ang bilis niya magsabi
na “ANG KAKAPAL NG MUKHA NINYO!” tapos nang sumagot na sinasabihan niya ng
kakapal ng mukha, ay wala man lang action siya?
Na yon pa lang nagpapalusot ng
illegal ng konting agri product ay mga kawani ng airline, bakit hindi niya
ipatawag at murahin? Tapos napansin natin sinabi po niya na, “bakit hindi ninyo
mahuhuli ang mga big time smuggler?” dagdag pa niya, “at yang mga maliliit ay
inyong hinuhuli!”
Pinapakita ata ng senadr na, hayaan
ang maliliit illegal na makalusot at makapasok sa bansa kahit pa ito ay
illegal? Naisip ko tuloy mga kamata ang “LAW MAKER LAW BREAKER!” mali ba ako?
Abangan natin ang mga susunod pang
pagpupuna nila sa Aduana, kung anong dahilan at bakit kayo na ang huhusga,
Para sa inyong mga reklamo at suhistyon
maari kayong mag email sa gagambino68@gmail.com o tumawag or text sa hotline no.
09069153998, at sa 09107611951 na viber.
Comments
Post a Comment