SA PANAHON NG PASKO, SCAM KUMAKALAT! ISANG TAONG TARGET NG ADUANA, KUHANG KUHA NA! REKLAMO SUMBONG KAY GAGAMBINO

“Ang kapayapaan at kaunlaran ay maangkin amang sa pamamagitan ng pagpupuna, Ngunit kung tayo ay manatiling tahimik na may kasamang takot asahan mong tayo ay aapak-pakan lamang, may posibilidad pang mawawala an gating iniingat-ingatang DEMOKRASYANG Bansa” – wa ma il hi

SCAMMER SA PANAHON NG PASKO!

Ka’mata ka’aduana kumosta kaya ang darating na pasko natin? Sana hindi kayo magiging isa sa mga biktema ng mga scam na kumakalat ngayon saan man dako sa bansa lalo na po sa Social Media.

Marami po ang scam, kaya mariing nagbabala ang pamunuan ng BOC kasama ang NTC na hindi po maniwala agad agad sa mga natatangap na mga text, chat, viber, email at chat sa FB na kayo ay inaalok, o may mga kargamento kayo o nanalo kayo sa mga parapol

Ayon po sa magkasanib na ahensya ito po ay scam lalo na kung ikaw, tayo ay walang sinasalihan o inaasahan darating na ano mang padala o regalo mula sa kaibigan, kakilala, kapamilya o malapit na kadugo, ka’mata ereport agad sa pinakamalapit na tanggapan ng pulis, o NTC, o BOC saan man kayong lugar sa ating bansa. DOBLE INGAT PO KA’MATA..

 

2022 TARGET NG BOC KUHA NA!

 

Masayang ibinabalita sa pamunuan ng Bureau Of Customs (BOC) lalo nan i Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang kanilang tanggapan ay surplus na sa taong target collection.

Wow CONGRATULATION BOC Team sa buong Bansa…

Out of 17 district port collection, 15 dito surplus 2 ang kuha nga hindi naman naka surplus ngunit sa kabuo’an lagpas na sila sa taong target,

Saludo tayo sa lahat ng mga District Collector, sa Luzon: sa Port ng Aparri Dist. Coll. Elineta Abano, Port of San Fernando, Dist. Coll. Arsena Iagan, Port of Legaspi Dist. Coll. Arthur “Art” Sevilla, Port of Batangas Dist. Coll. Ma. Rhea Gregorio, Port of Limay Dist. Coll. William “Yami” Balayo, Port of Clark Dist. Coll. John Simon, Port of NAIA Dist. Coll. Carmelita “Mimel” Talusan, Port of Manila Dist. Coll. Michael “mike” Vargas, Port of MICP Dist. Coll. Arnoldo “Bro Boy” Famor.

Sa Visayas:  Port of Iloilo Dist. Coll. Ciriaco “Dhucky” Ugay, Port of Tacloban Dist. Coll. Francis Tolibas, Port of Cebu Dist. Coll. Elvira Cruz.

Sa Mindanao: Port of Davao Dist. Coll. Erastus Sandino Austria, Port of Surigao Dist. Coll. Hubert Dullano, Port of Cagayan de Oro Dist. Coll. Alexandra “zandra” Lumontad, Port of Zamboanga Dist. Collector Collector Abdul Omar “Jun” Barte.

Sa inyong lahat sa pangunguna ng nasa taas nina Customs Commissioner, Deputy Commissioner, mga Director, mula sa buong staff ng mata ni gagambino Congratulation and keep up the good Job.

 

SUMBONG AT SINONG TAO KAY GAGAMBINO:

 

UNA: ANG CPO BAW! Naku po! isang hindi maiwasang paksa mga kamata na ayaw na ayaw ko sanang  tatalakayin, ngunit parang lalong lumalala kung hahayaan na magpatuloy sa ganito ang lakaran sa loob ng aduana.

Unahin ko ang pagpapalabas ng CPO o Customs Personnel Order, kung saan mayroon raw kababalaghan, naku naman oo matagal ng lakaran yan.

Hindi na tayo magtataka sa mga milagrong nasa likod ng gumagawa ng mga order lalo na ang CPO.

Kadalasan, kung ikaw ay hindi good tingin sa hepe, asahan mo ipapalipat ka, isang ating nasilip ang kalagayan ni ACDD Dolly Domingo na siya utak upang lalong mapaganda maayos ang takbo ng pagpaparelease ng mga Balikbayan Boxes na dating magulo, siya rin ang utak upang ang mga OFW na nagpapadala ditto sa ating bansa para sa kani kanilang mahal sa buhay ay wala nang gasto dagdag pabigat na bayaran at nagiging free walang bayad.

Anong nangyari? Biglang inilipat sa division na hindi man lang  magagamit ang kanyang talent bagay na ipinagtataka natin! ANG SINO PANG NAKAGAWA NG MAGANDA SA BUREAU AY SIYA PA ANG IPAPALIPAT UPANG WALANG NANG MAGAWA PA! hindi pa kawalang hiyaan na ang ganyang lakaran?

Ayon sa atin mata, “isang dahilan na pinaiiral dyan ay yaong nagalit  ang nasa matatas dahil hindi uman sila pinagbigyan sa kanilang kahilingan, kaya inalis si Dolly, hindi kasi pumayag sa kanilang pakiusap na ang mga Bidders na siyang humawak ngayon sa  mga boxes ng 16 container van ang Allwin na dapat raw ay i turn over sa Atlas na DDCAP!” gaano katotoo ito mga kaaduana?

IKALAWA: Ang AYUDA ng mga isang Dibisyon sa BOC! Mayroon ba? Gaano katotoo na mayroon palang ayuda ang mga on-duty na mga na mga empleyado na nagangalaga sa proteksyon ng aduana natin noong panahon na mainit pa ang Pandemya(COVID-19)?

Matindi ito kaaduana, sino kaya ang humawak noong ayuda para sa mga taga pangalaga natin? Nakakatangap ba mga on duty na mga emoleyado in uniform natin?

Ayon sa aking mata, nakaupo pa nga raw ang humawak nito, at naghaharian pa nga eh, dagdag pa ng ating mata ito rin umano ang humahadlang sa mga report ng lahat ng mga empleyado upang ereklamo kasuhan ang sino mang natutuklasan na kasabwat sa mga iligal.

Nalaman umano ng ating mata, kaya pala hinahadlangan nitong humahawak rin ng ayuda ay upang maipaalam niya doon sa mga kakasuhan at nang sa ganon makabantay ito!

Wow ang galing niya ano? Ibig bang sabihin, kasabwat rin itong humahawak ng ayudo sa mga iligal sa aduana? Ang tindi ng raket niya ano?

May ayuda na may tara pang galling sa mga illegal n asana kakasuhan, saganang akin po, dapat nito mapalayas dyan at mabigyan ng leksyon, tama ba o mali ako?

IKATLO: EXAMINER/APRAISER ginagamit name ng mga matataas na official ng BOC para maka singil ng TARA! Ang tindi naman ng apog nito oo! Sino kaya ang nasa likod niya at ganon nalang katapang maniningil ng Tara gamit pa pngalan ng mga matataas na Official ng BOC?

Nang malaman nga ito ng isang mataas na Official ginagawa ng examiner / apraiser, nagalit at pinagtatanong kung sino? kaso hindi umano pinangalanan ng consignee kung sinong examiner / appraiser ang naniningil ng Tara na 15t bawat buong sasakyan na legal naman na kanilang pinarating!

Wow tumataginting PH15,000 per unit, ibig sabihin, kung may ng 25 unit parating ang naturang consignee, ang laki ng kinikita ng examiner / appraiser sa paniningil ng Tara ginamit mga pangalan ng matataas na official ng BOC!

Sa galit ng isang Official inutos nitong e-hold ang kargamento, hanggat hindi nagsasalita ang consignee kung sinong examiner / appraiser ang siyang naniningil, hindi niya pinayagan na mailabas ito.

Dalawa ang ibig sabihin noong official, una, HINDI siya nagbigay ng utos na komokolekta ng tara gamit ang name niya, ikalawa, nabukulan siya, saan man sa dalawa, dapat mahiya sila! Bakit eh ayaw na ayaw n gating commissioner na kumokolekta ng tara sino man sa kanyang mga kasamahan sa Bureau.

ngunit kalaonan ating nasilip na pumayag na rin ang official na ilabas. seguro naisip niya na walang kasalanan ang consignee, bagkus sila ay sumunod lamang sa gusto noong swapang na examiner / appraiser!

PANG APAT: Mga kawani umaasa sa Incentive Reward! Marerelease a kaya yon? Ayon kay Comm Yogi, Malabo nang mairelease ang naturang Reward. Kaya pala noong si Ex Comm Jagger ay binaliwala ito kasi alam niyang malabong marelease, kawawang nilalang (Mga kawani ng Aduana!).

PANG LIMA: sino kaya itong mataas na Official ng BOC na gumagawa ng parang upang maretain siya? Ang anyang ginawa lahat ng galaw ng mga hindi dapat ilabas sa publiko ay ginagawa niya para sabihin “NANG DAHIL SA KANYA KAYA GANYA NANGYARI!” ibig sabihin kredit ka agad sa kanya wow ang gali ano!

Kakahiya kayo imbes na tulungan nyo si Comm Yogi upang mapaganda ang Bureau eh lalo kayong dagdag problema hahay kalian ba mawawa itong mga salot sa aduana na walang ginawa kung hindi ang sarili lamang?

Kung may mga reklamo, sumbong o nalalaman kayong mga anomaly maari kayong mag email sa gagambino68@gmail.com o mag chat viber sa 09107611951 o text tawag 09069153998 mag chat sa FB account na “Bobbyjam Gagambino”




Comments

Popular posts from this blog

BOC-ESS celebrates its 35th anniversary