Bureau of Customs employees, Sama-Sama sa pagbabago

BY: Eye in MICP

Isang mapagpalang araw sa ating mga kaibigan sa Bureau of Customs.

Napakaraming Accomplishment ang ginagawa ng mga kawani ng Bureau of Customs at Sama-Samang sila pinapatupad ang mga mandato ng napakasipag at Walang kapagurang Commissioner ng Bureau of Customs Yogi Ruiz. 

Isa na dito ang MICP na talagang good performer.

Ang MICP ang pinakamalaking port sa BOC at sila din ang may pinakamaraming huli at pinakamalaking koleksyon na naiaambag sa BOC kaya naman magaling dapat ang hahawak dito.

Kaya naman itinilaga na OIC ngayon at si Coll. Arnoldo "BOY"  Famor na subok na sa serbisyo publiko. Siya ay Walang bahid na katiwalian, malinis ang kanyang pagkatao. 

Siya at nag umpisa sa mababa hanggang maabot niya at pagiging Collector.

Kaya madami ang hanga sa opisyal na ito at alam niyo ba dahil sa husay, sipag at galing kaya naman ginawa siya OIC malaki ang tiwala natin sa kanyang kakayahan. 

Kamakailan lang pinangunahan ng Pinagsanib na elemento ng Bureau of Customs - Manila International Container Port, Customs Intelligence Division (ID), Customs Anti-Illegal Drug Task Force Enforcement Security Services (CAIDTF-ESS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pag raid sa isang bodega sa Taguig City at nakuha ang 500 gramo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P2.65 milyon. Armado ng Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang team ay nakipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at binisita ang isang storage facility sa East Service Road, Taguig City noong Nobyembre 22.

Sa pag-inspeksyon, nadiskubre ng mga ahente ang hindi bababa sa 500 gramo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P2.65 milyon, iba't ibang e-cigarette o vape cartridge na naglalaman ng hinihinalang langis ng marijuana, at humigit-kumulang 30 gramo ng hinihinalang kush (hybrid marijuana). Kasama sa iba pang nasamsam ang mga identification card, isang maliit na transparent glass at plastic tube container na may hinihinalang marijuana oil, iba't ibang paraphernalia, isang bag ng mga walang laman na kapsula, at ilang ziplock bag na may residue ng hinihinalang ilegal na droga.

Kung ating isipin napaka hirap ang ginagawa ng Bureau of Customs dahil sa mga ganitong operasyon ay buhay nila ang nakasalalay. 

Dahil sa kanilang sinumpaang tungkulin ay ginagawa nila ang kanilang tungkulin upang maging maayos ang takbo ng Aduana. 

At kagaya ni Coll. Famor na nagpapakahirap mangolekta ng buwis sampu ng kanyang ka samahan at kasama ang ESS at CIIS. 

Ang MICP din ay November pa. Lang ay naabot na Nila ang kanilang target Koleksyon sa isang taon. 

Kudos sa lahat ng taga BOC Lalo sa MICP. 

Ipagpatuloy niyo lang ang magandang nasimulan.

Comments

Popular posts from this blog

BOC-ESS celebrates its 35th anniversary