CONGRATULATIONS sa pinagsanib na puwersa nina Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) District Collector Arnoldo Famor at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), MICP Chief, Intelligence Officer 2 Alvin Enciso!
Kahanga-hangang natimbog ng tropa ang aabot sa P228 milyong halagang imported sugar na sinasabing mabuti na lamang ay maagap ang alertong grupo kaya hindi naipuslit sa MICP nu'ng Lunes, October 17.
Sa kanilang ulat kay Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz, sinabi nina Coll. Famor at CIIS IO2 Enciso, ang tone-toneladang asukal ay galing Thailand at nakalulan sa 76 container vans. Nadiskureng misdeklarado at dumating sa naturang pantalan noong nakaraang September 24, 2022.
Sa ulat pa, kinumpiska ang ismagel na mga asukal nang walang maipakitang import clearance ang consignee mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA bilang katibayan legal at lehitimo ang importasyon.
Sinasabing ang refined sugar shipments na napatunayang may paglabag sa Sections 117 at 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ay pansamantalang inilagak sa Customs security warehouse para sa kaukulang pag-iingat at imbentaryo kasabay ang paghahanda ng smuggling case laban sa importer ng mga asukal.
Pinag-iisipan mabuti kung isusubasta sa publiko ang kumpiskadong mga produkto na inaasahang makatutulong ng malaki para sa karagdagang koleksyong buwis ng Customs.
Kasunod nito, kaagad rin pinapurihan ni Comm. Ruiz sina Coll. Famor at IO2 Enciso dahil sa kanilang ipinakitang matinding katapatan, kahusayan at aktibong paglilingkod sa tungkulin para sa pagbibigay ng proteksyon sa interes ng ating gobyerno.
Malaking halaga ang nadaleng ito. Makabuluhang accomplishment. Panalo ang gobyerno. Kaya bukod sa tuwa't pagmamagaling ni Comm. Ruiz sa naging tagumpay na operasyon, walang patid na papuri ang iginanti sa dalawang opisyal na nakakawow ang ipinakitang-gilas, partikular sa agresibong kampanya kontra ismagling.
Kung hindi ako nagkakamali, itinalaga ni Comm. Ruiz si Coll. Famor bilang pinuno ng MICP ay noong October 8 ng taon. Sa sandaling panahon lang, napatunayan na natin ang kanyang dedikasyon at determinasyon sa pagsisilbi sa ahensya. Tunay na kapuri-puri talaga. At totoo ang sinasabi ng mayorya ng waterfront stakeholders na hindi nagkamali si Comm. Ruiz nang gawing district collector si Coll. Famor ng isang billionaire port tulad ng MICP.
Mataas ang aking kumpiyansa na hindi ang naturang nasamsam na Thai sugar ang magiging una't huling nakakabilib na accomplishments ni Coll. Famor. Tiyak ay paulit-ulit na masusundan pa ito. Ramdam na natin ang seryosong hangarin nito na tuluyang tuldukan ang smuggling operations at kauring iligal na aktibidad, gayundin ang pagpupursige na mapaunlad ang koleksyong buwis ng kanyang puerto. Ano sa tingin ninyo? Tama o mali?
Again, congrats and more power, Coll. Famor at Enciso. Keep up the good work at mabuhay kayo, mga Bossing! Markado ang galing ninyo! Ibang klase talaga! Salute!
Comments
Post a Comment