NA “WOW MALI” SI CUSTOMS COMM. RUIZ SA BBB, GAANO KATOTOO NA ANG BOC NAGPAHOLD NG MGA BBB? MGA DISTRICT PORT NAKAKUHA NG TAONANG TARGET? MGA DISKARTE NG COLLECTOR, MARERETAIN LANG! GENRAL BANTAG, NAG SALITA NA!
“Ang pag’unlad at kapayapaan ay maangkin lamang sa pamamagitan ng pagpupuna, ngunit kung patuloy tayong manahimik na may kasamang takot, asahan mong tayo ay aapak-apakan lamang, may posibilidad pang mawawala ang ating ini-ingat ingatang demokrasyang bansa!”
BALIKBAYAN BOX LEBRI DELIVER?
Matapos ang mahabang panahon na paghihintay ng mga kamag anak, Mahal sa Buhay ng mga OFW na may pinadala mula sa ibang bansa papunta dito sa ating bansa, sa katapusan matatanggap na rin nila ito.
NGUNIT HINDI MAIWASAN NA MAY MGA ILANG KATANONAN NAMUMUO NA LUMABAS DITO:
1) Ano ang dahilan bakit natingga o "natanggong" Ika nga ng mahabang panahon ang mga balikbayan Boxes ng mga OFW sa bodega ng Aduana?
2) Sino ang may KASALANAN sa pasimuno, bakit hindi ito nailabas agad agad?
3) Mayroon bang kinalaman ang taga Bureau of Customs(BOC) SA PAG ANTALA NITO UPANG MAILABAS?
Isang ating nasilip mga ka'mata ka'Aduana kung bakit nagkaganyan Ang mga Balikbayan Box ay dahil umano sa mga gonggong na mga DELIVERY COMPAY sa ibang bansa, matapos nilang ipadala sa Dito sa ating bansa Ang mga container Van na Doon naglalaman Ang mga Padala Ng mga OFW, ito ay HINDI NA NILA KINI-CLAIM, HINAYAAN nila ito sa bodega ng BOC at ito at NATINGGA NAABANDON na nga.
Dahil Dyan mariing Pina paalala ni Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz sa ating mga kababayang OFW, dapat alamin Muna nila Ang tunay at Hindi BUGOS NA DELIVERY COMPANY bago sila lalapit dito at ipadala ang kanilang gustong ipadala sa kanilang mahal na Pamilya dito sa Pinas, Kasi kawawa Ang mga bagay na ipinadala Lalo na kung ito Ang mabunulok o madaling masira kung tumatagal na Hindi agad agad maihatid sa kanilang mahal sa Buhay.
Uulitin ko sa usapang pag hahatid o pag de deliver ng mga Balikbayan boxes o “BBB” sa bawat pamilya, ano nga ba ang tunay na nangyayari sa pag hahatid ng mga BBB sa bawat pamilya?
Totoo bang ni sentabo walang mababayaran ang bawat pamilyang makatatanggap ng BBB na ihahatid ng legal raw na ahensya?
Sino ba talaga ang dapat maghatid o mag deliver at ano ang kanilang batayan upang ito ay mahatid sa bawat pamilya? Ehahatid o kukunin nga ba ng mga pamilya sa bodega kung saan ang BBB ay nandoon?
Mga tanong na dapat ay ating ipaunawa sa mga kababayan natin narito sa bansa na mayroon hinihintay na Padala Mula sa kanilang mahal sa buhan na mga OFW, at sa mga laging nakasubaybay sa aking araw araw na live program Ang Mata ni Gagambino at kulom sa mga pahayagang national tungkul sa mga kaganapan sa loob at labas ng Aduana(BOC).
Unang una po gusto natin, sisimulan sa pinakaunang ISYO Ang NATINGGANG MGA BALIKBAYAN BOXES at ito nga ay naabandon at dahil dito ang taga Bureau of customs(BOC) ay may karapatang e auction ito upang madiliver na.
Dito na papasok at may transaksyon ang gustong sumali sa auction kung saan Isa na nga rito ay ang grupo ng DDCAP / Atlas at ang mga grupo naman ng BIDDERS Association of BOC. Parehong may karapatan, parehong gumagalaw sa Aduana, sa kanilang dalawa sino ang pagbibigyan?
Unang nakasalang sa bidding ay ang 7 Container Van mga
Ka’mata ka’aduana unang salto palang ang DDCAP na ang nasa pinaka unang nagtransak nito, dahil ayon sa aking Mata sa naturang usapan, pinagbigyan ito Ng ilang mataas na Opisyal ng BOC, na kahit pa walang sila perang pang bayad sa paglapag palang sa bidding, pero pinakiusapan Ng opisyal Ng BOC ang grupo ni Mr.Robert Uy Ng Bidders Ass. Na sila ang nagbayad at ibigay natin sa DDCAP Ang pagdeliver nito, labag man sa kalooban nila, dahil nga sa pakiusap Ng mataas na opisyal sila ay sumanayon sa usapang WALA SISINGILING BAYAD BAWAT PAMILYAN KANILANG DE DELIVERAN.
Sa panig naman Ng taga auction kahit Hindi ito kompleto Ang DDCAP Ng kanilang Dokomento dahil nga sa utos sa TaaS na payagan na sila ay manalo, walang magawa Ang nasa baba na Rango, ayon natupad lahat Ng kaguatohan Ng Naturang Opisyal, Ang DDCAP nanalo at ang nagbayad Naman sa 7 C.V. ay ang mga Bidders, pero ang naghatid ang DDCAP sa usapang hindi pagperahan ang pag hahatid o deliver ng BBB sa bawat pamilya. Ito ba ay nasusunod ng DDCAP? Naku Po Nan oo Diyos na mahabagin!
Unang una mga Ka’Aduana, dahil sa mataas na opisyal kaya pumasok ito DDCAP sa hindi malamang dahilan at bago nga yang transaksyon napag alamn ng inyong lingkod, may isang Media kausap ito mataas na Opisyal ng BOC, ano kaya Ang kanilang malalim at matagong transaksyon?
Ating sinilip ito, ito Pala media ay ginagamit sa pagpapulish pangpapogi ika nga sa mga mga nangyayari at kabaliktaran sa katotohanan, totoo ba ito mataas na Opisyal Ng BOC? Sino namang Media at opisyal na kasabwat ng DDCAP sa transaksyon? Yan Ang sa susunod natin paninilip.
Ayon sa kampo ni Robert Uy, napag alaman nilang ang 7 container Vam ng nag laman Ng mgaBalikbayan Boxea na inihahatid ng DDCAP ay mayroon Pera, pinagperahan ng mga nagahatid sa bawat pamilya naku po kabaliktaran sa kanilang napag usapan Ng Opisyal na walang SISINGILING BAYAD, sabagay verbal at Ang pag uusap at Hindi dokomentado na pinermahan! Dapat Ang DDCAP PAKIPALIWANAG NGA ITO?
Sumunod Naman na nidding ang 3 Container Van, dating Gawin, gusto naman Ng Opisyales na Ganon rin NGUNIT Biglang umayaw na Ang grupo Ng mga Bidders at ayaw na nilang maglabas Ng pera, Ang hepe Ngayon ng Auction nababahala, papaano eh walang pang bayad Ang DDCAP pero sila Ang gustong papanalonon ng mataas na opisyal, pinakiusapan muli ang mga BIDDERS ni Opisyal para sa 3 container van na bayaran nila, ito na Ngayon, ayon Kay Mr. Robert Uy hindi na sila pumayag na sila ay magbayad nito dahil hindi nasusunod ang kanilang pinag uusapan, nang malaman ito ng mataas na opisyal sinabihan ang hepe ng auction hanapan ng paraan, dahil dito nababahala tagala ang hepe ng auction hindi na natin bangitin ang pangalan, ating napag alaman na ang hepe na ng auction ang nagbayad nagpalabas Ng sariling Pera ha! upang matapos na at mailabas lamang ang 3 container van na nandoon nga ang mga Padala ng mga OFW. Hu hu hu
Well... ganon pa rin DDCAP uli ang nagtrabaho, at tulad Ng dati naningingil parin Ang DDCAP.sa bawat tumatangap Ng Balikbayan Box, muli Ang mga grupo Ng mga Bidders ay santambak na mga reklamo dahil nga mali Ang kanilang sinasabi na WALANG BABAYARAN ANG BAWAT MAKATANGGAP NG Balikbayan box.
Ito na ngayon, sumunod na ang 16 Container Van na sa ating paniniwala ay siyang Pinakahuli na ata ito Iwan kung Totoo ha? Dito na nagsimula ang gulo nang pumasok ang Isang Director at ang tagapagsalita ng Aduana, dahil mayroon ata silang nasilip ah at kung ano man sila lamang nakaalam, pero para sa aking pagkakaalam ko Hindi nila alam Ang tunay na isyo pero Duda Tayo Ang salitang "KASIKATAN" o ano man ang dahilan, bakit kasi nga nalalapit na ang Pasko at gusto ata maging Bida Ang dalawa sa lahat ng mga Pahayagan, TV, Radyo at isali na natin ang sa Social Media, ngunit ang tanong, alam kaya nila ang isyo ng Balikbayan Boxes?
Tuloy Tayo sa pinagkagulohan at itobyong16 container van ng Balikbayan Boxes, Dito na Kasi pinayagan Ang grupo Ng mga Bidders na sumali at hinayaang manalo even sasali pa Ang DDCAP, at nagkatotoo nga Ang association Ng mga Bidders Ang nanalo sa 16 Container van.
Ganon paman gusto pa nin ng mataas na opisyal na Ang DDCAP parin Ang Siya magdeliver nito, ngunit mismong mga BIDDERS NA ANG AYAW HINDI NA SILA PUMAYAG NA DDCAP PA ANG MAGHAHATID AT SA KANILA IPAPANGALAN, BAKIT DAHIL SILA (BIDDERS) NA SILA NA MAGHAHATID AT SA KANILA IPA PANGALAN DAHIL SILA ANG NAGBAYAD.
Dito na ang gulo, pumasok naman itong mataas na DDAWALANG OFFICIAL nga na kasabwat at Ng opisyal na dating NASA likod Ng DDCAP Hindi ba Lalo gumugulo ang pamamahagi ng Balikbayan Boxes Ng mga OFW?
Lumapit Ngayon sa ating itong SI Mr Robert Uy dahil walang Media na maniniwala sa kanya dahil umano sa mga maling paratang at paninira, kusang loob tayong pumasok sa gulo, maraming balakid, harang, at kung ano ano man bago Tayo pumasok ay umaten Muna Tayo Ng presscon na mismong tayo ay napatanong tungkol sa pamamagi kung maari maganap ba sa malayong Lugar tulad Ng Visayas at Mindanao, Dito ko rin nasilip hinintay kung magtatanong ba ang isang media na kausap ng mataas na opisyal na kumausap Rin sa mga Bidders, nakatunganga at ayaw magpakilala o magtanong man lang, kung bakit Hindi natin alam.
Minabute nating ayosin ang gulo hindi ako nagpakitang may alam tayo sa nangyayari, ngunit nang ang mga Balikbayan Boxes ay naihatid na sa bodega sa Balagtas, Bulacan na doon na nagkaroon ng gulo, ang dahilan kasi gusto ni Dir. fermin na ipahinto ang pagrelease ng mga Balikbayan Boxes sa mga pamilyang nandoon na upang ito ay e claim, Ang rason umano ni Dir. Fermin ay gusto niyang ang DDCAP ang siyang gagawa nito, hu hu hu Wala talagang alam sa totoong dahilan.
Kaya nga kakapagtaka talaga at akoy nagtatanong:
"Bakit ang DDCAP ang gustong nila at ito ay siyang magde deliver ng mga Balik Bayan Box ng OFW, samantalang ni pangbayad sa Floor Price eh wala silayan ay ayon sa aking Mata?
At nang isinagawa ang auction sa pamamagitan ng Auction and Cargo Disposal Division kung saan ang hepe at may Puso para sa mga OFW, siya kasi Ang gumawa ng paraan para lang mailabas ang mga containers van, Ito na ngayon, itong sa allwin 16 containers van.
Ganon paman, congratulation sa grupong ni Mr. Robert Uy Ang buong Bidders Association of Bureau Of Customs Kasi mismong si Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz na ang nag order na sila (Bidders) na ang may tungkuling magrelease at maghatid ng mga Balikbayan Boxes ng mga OFW.
Abangan mayroon pang karugtong ito kung ano Ang ginagawa Ng grupo Ng DDCAP at papaano siniraan Ng Media Ang grupo nila Mr. Robert Uy at ano Ang mga kasagutan nila. Parang may sabwat
DISTRICT PORT NAKAKUHA NG TAONANG TARGET
Kinakabahan ngayon ang ilang mga nakaupo sa bawat district port sa bansa kung sila ay hindi nakakakuha ng target sa bawat buwan, kahit pa nakakuha sila ng taonang target collection mga kaaduan.
Sa one strike policy ng bagong nakaupo na hepe ng aduana, hindi raw sinasanto ang mga district collector kung silay bagsak sa buwanang target colletion.
Sino sino naman ang maagang nakakuha ng taonang target collection mga kaaduana? Unang una na ating napagalamang ay ang Port ng Zamboanga, Port ng Manila, Port ng Batangas, Port ng Subic, Port ng Limay Port ng MICP at Port ng Davao, ang Port ng Cebu, Cagayan de Oro, San Fernando, Port ng Aparri, Port ng Iloilo ay konte nalang makukuha na samantalang ang Port ng Legaspi, Port ng Surigao, Port ng Tacloban naman lumalaban pa at puspusan ang kani kanilang pagkuha ngg target para sa taong 2022.
MGA DISKARTE NG MGA COLLECTOR NA HANGGANG DEC. 2022
Alam ba ninyong kanya kanyang diskarte ngayon ang ilang mga collector’s na nababalitang hanggang December 31, 2022 na lamang?
May ilang na nagyayabang sa kanilang balwarte na silay ay mareretian, may iba rin na ipinagmamalaki na sila ginawa ni commissioner Yogi na tulay sa ibang ahensya ng pamahalaan ang iba naman nagpakalat na sila pinili upang maging kasama sa OCOM, NGUNIT ANG MATINDI ay ito may ibang nagbabanta na kung hindi siya ma retain ay lilipat sa ibang ahensya! Bwa hahaha
Talagang parang away nilang umalis sa kani kanilang kinauupuan ah! nasilip ko tuloy na tela nilalagyan na nila ng PANGDIKIT parang RUGBI ang kani kanilang upuan nang sa ganon hindi na sila makaaalis sa kanilang position, wow ang galing hindi po ba?
Abangan may karugtong pa ito sa susunod na isyo n gating kulom…
ANO ANG TESTAMENT NO GEN. BANTAG?
Sa dami ng mga haka haka na si Gen. Bantag ay nagtatago na at hindi Makita pa, kung manonood ka sa social media naku tapos na ang kaso ni Kasamang Percy pa gang pagbabasihan ay mga vlogger na magagaling mango to sa kanilang mga subscribers at hindi lamang yan, mas magali pa sila sa korte!
Ngayon ito na bigla lumabas si Genral Bantag at kapanayam pa ng SMNI at ito ang kanyang mga sinasabi: "Attention Lapid family, yung pumatay po kay Percy Lapid ay tauhan nitong Agojo na pinakuha ni [Justice Secretary Jesus Crispin] Boying Remulla sa NBI. Ano papel niya sa buhay? Tauhan niya yung pumatay na si Escorial at yung kaibigan niya na si Villamor," ito ay na ere noon Friday.
Ngayon tanong natin, nasaan ngayon si German Agojo na binangit ni Gen Bantag? Hihintayin naman natin ang kasagutan ni Sec. Remulla nito hahaha para ginawa tayong mga viewers sa pinikula este pilikula pala! Sino kaya ang bida at kontra bida nito an gang titla mga kamata?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA “SUMPAY!”
Para sa inyong mga reklamo at suhistyon maari kayong mag email sa gagambino68@gmail.com o sa social media FB account na Bobbyjam Gagambino tumawag or text sa hotline no. 09069153998, 09107611951
Comments
Post a Comment