MATA NI GAGAMBINO
SMUGGLING SA BANSA KAMAY NA BAKAL DAPAT NI COMM RUIZ!, SWAK NA SWAK NGAYON BUWAN NG OCTOBER ANG BOC, GEN. BANTAG ISYO NGAYON NI GAGAMBINO
Para sa inyong lahat mula kay Gagambino:
“Ang KAPAYAPAAN at KAUNLARAN maangkin lamang sa pamamagitan ng PAGPUPUNA, ngunit kung patuloy tayong MANAHIMIK na may kasamang TAKOT, asahan mong tayo ay PAGTATAWANAN lamang, may posibilidad pang MAWAWALA ang ating ini’ingat-ingatang DEMOKRASYANG BANSA!”
SWAK NA SWAK ANG BOC SA TARGET COLLECTION:
CONGRATULATION BUONG ADUANA (BOC), alam ba ninyo mga kaaduana at kamata na swak na swak ngayong buwan ng October 2022 ang bung BOC sa kanilang buwang target collection?
Sa pamumuno ni Custom Commissioner Yogi Felimon Ruiz, buong ipinagmamalaki ng buong bureau ang surpass nito sa cash collection na P75.5B kompara sa target collection na P63.7B at surplus sila ng P11.8B o 18.6 percent.
Ang BOC kung collection ang pag uusapan, mula January to October taong 2022, ay mayroon cash collected na P714.3B napakalaki na nito kung totousin at ayon sa atinbg nasilip mga kamata, ngayong taon makukuha raw nila ang P1T pagkatapos ng taong 2022, wow galling nila ano!
Sa mga nangungunang mga Port District Collection tulad ng mga sumusunod: 1) kay Dist. Collector Arnoldo “Bro Boy” Famor ng Port ng MICP, 2) Dist. Collector Ma.Rhea Gregorio ng Port ng Batangas, 3) Dist. Collector Atty William “yami” Balayo ng Port ng Limay, 4) Dist. Collector Marites “Meeks” Martin ng Port ng Subic, 5) Dist. Collector atty Erastus Sandino Austria ng Port ng Davao, 6) Dist. Collector Miko Vargas ng Port ng Manila, 7) Dist. Collector Atty Charlito Mendoza ng Port ng Cebu at ang mga kaaduana sumosunod naman ay ang Dist. Collector Abdul Omar Jun Barte ng Port ng Zamboanga, Dist. Collector Atty Elvira Cruz ng Cagayan de Oro, Dist. Collector Mimel Talusan ng NAIA,at iba pa Clark, Iloilo, Legaspi, Aparri, San Fernando, Surigao, Tacloban.
Sa inyong lahat advance mery xmass hahaha keep up the good trabaho para sa bayan hindi para sa bulsa hahahah joke lang po. Congratulation kaaduana…
SMUGGLING SA BANSA NAGLIPANA RAW:
KUMOSTA kayong lahat mga kamata kaaduana, sa aming pag uusap ng aking mga ksama sa gawa, may namumuong isang tela hindi kapani paniwalang bagay na haharapin ng isa hepe ng aduana, ang kabundok na problema nangunguna nga ditto ang talamak na smuggling na kahit saan ay ating makikita. Kung the only one lang si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz naku mahirapan siyang mapatay ang “halimaw” na sindikato ng smuggling.
Kahit saang angulo natin tignan hindi siya isang superhero ng mga teleseryeng tv o sa komiks na hinahangaan ng sino man na kayang sugpuin ang mga masasang elementokama kaaduana.
Kung susuriin natin lalong lumalakas ang smuggling sa bansa sa kabila ng maraming mahihigpit na batas na nagpaparusa sa mga ismagler, hindi siya tinayuan man lamang ng isang balahibo upang matakot at itigil na ang kanilang ilegal na gawain.
Kahit pa naiisin ni Comm Ruiz at ng mga kapwa niyang opisyal ng aduana na masugpo ang smuggling na siyang dahilan ng malaking kawalan sa kabangbayan, ngunit papaano? Paano matutulungan sina comm Ruiz sampu ng kanyang mga kasamahan sa pagsasaayos at paglilinis sa napakaruming tinatahak na daan sa Aduana?
Lahat na ata ng paraan ginagawa na nila tulad ng kung ano ano pagkilos, mga bagong patakaran, mga bagong reporma at kung ano ano pang mga bagong teknolohiya at siyensiya para malabanan ang smuggling at iba pang katiwalian sa aduana ngunit wa epek eh tela hindi nagtagumpay ba, bakit kaya?
Sa aking palagay ha hindi naman ata mahirap labanan ang smuggling kung tutuusin, ang kailangan lamang ay katapatan sa tungkulin, mahusay na pagsunod sa batas, may puso’t malasakit, tibay sa lood na labanan ang mga tukso sa madaling pagkakamal ng salapi sa maruming na paraan! Tanong natin dyan: “Mayroon ba tayo ng mga ganitong opisyal at kawani ng aduana (BOC)? Sa aking palagay naman eh, napakarami nila, pawang matatapat, pawang matitino at nais na tunay na makapagserbisyo nang matapat sa bansa, am I wrong mga kamata kaaduana?
BALIKBAYAN BOX WALANG GASTO SA PAGHATID:
MGA kamata at kaaduana ilang tulog nalang pasko na naman kaya maraming kumalat saan man dako ng bansa ang mga manloloko o scammer.
Maging sa aduana ay pinasok na rin ng mga lintik na manloloko, kaya doble ingat mga kamata, wag basta maniwala sa mga text scam na nagpakilalang taga BOC at sasabihin na mayroon kayong baggage cargo at hihingian kayo ng halaga para dito.
Maging mapamasid alerto ika nga ng sag anon hindi ho kayo mabibiktema ng ganitong scam panloloko ng walang puso mga gonggong na walang ibang ginawa kung hindi ang oanloloko sa kapwa.
Kamata kaaduana matapos ang mahabang panahon na paghihintay ng mga kamag anak, kapamilya, kapuso ng mga OFW na may pinadala para sa kani kanilang mahal sa buhay dito sa Pinas, mula sa ibang bansa papunta dito sana ngunit aabutan ng buwan taon dahil sa gonggong na mga cargo company, ay sa katapusan matatangap na.
Dahil umano sa mga gonggong na mga cargo company matapos nilang ipadala sa bansa eh hinayaan na ito sa bodega ng BOC at hindi na nila ito gi clain, ayon enabandona ito.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz gumawa siya ng paraan maresulba ito scam na kagagawan ng ilang cargo, pinaalam niyang mismo ang bureau of Customs ang gagasto at ipinahatid door to door ang mga pinadala ng mga OFW para sa kanilang mahal sa buhay at ito pa WALANG BABAYARAN NI SENTABO sa bawat pinadalhang pamilya.
GEN. BANTAG NGA BA ANG UTAK o MAY NAGTATAGO LAMANG?
Mga kamata, hindi mahirap ang magturo kung sino ang salarin, ang mahirap po ay, alam na nga kung sino tinatakpan pa upang maisalbar ang una, kapakanan ng pamilaya, ikalawa, kapakanang ng trabaho, ikatlo “kawalan ng datung este” kapakanang ng kaibigan utang na loob at kapangyarihan.
Sa kalagayan ng dalawang kaso una ang pagkahuli ng anak ng secretary na nasangkot sa ipinagbabawal ng gamot at pagpaslang patay sa kasamang mamamahayag, saganang akin po malaking kawalan ito kung babaliwalain ng kahit sino mang naatasang mag imbestiga sa bawat kaso, dapat walang pinapanigan, trabaho lamang para matuklasan ang tunay na may kasalanan.
Hindi ko muna tatalakayin kaso ng anak ng secretary kasi nasa korte na, dito tayo sa isyo ngayon kung sino nasa likod ng pagpaslangkay kasamang Percy Lapid, at kung pakikigan natin ang mga lumalabas ito: ayon kay Gen. Bantag, alam niya na siya raw ang tinutumbok na mastermind sa pagpaslang sa mamamahayag at sa middle man na si Palana.
Ito pa, dagdag pa ni Gen. Bantag niya na kagagawan ito ng mga sindikato sa droga na kanyang nasagasaan nang maupo siyang director ng Bilibid. Wow… may ibig siyang iparating ah! Kuha nyo ba?
Alam ba ninyong Pati na rin raw ang pagpatay sa middle man na si Palana ay naka-set up din para sa kanya ibintang? Naku astig ang plano hindi po ba?
Napakaganda kasi ang pagkakagawa sa naturang krimen para siya ang madiin sa kaso at tuluyang mapaalis bilang director ng Bilibid, sana mali si ako mga kamata?
Saganang akin po hindi ko po kilala itong si Gen. Bantag, at lalong hindi rin ako basta maniwala sa mga story, na siya raw ang utak ng krimen, base sa ating pananaw, napakaraming butas sa isinagawang imbestigasyon nla, naku po!
Tayo mga kamata ay naniniwalang mahihirapang sila direktang isabit ng PNP at NBI si Gen. Bantag sa kaso, bakit? Eh puro according to ang kanilang report, ang mga paraan ng mga testemonyang isabit siya ay mahirap paniwalaan parang inimbento lamang, kulang ng katibayan, nangangailangan pa ng mas marami at matibay na ebidensiya para tuluyang masabi na si Gen. Bantag nga ang mastermind sa pamamaslang sa mamamahayag at sa middle man.
Isang halimbawa lang mga kamata na kahit sino ay magdadalawang isip kung maniwala o hindi, ay yong nagkaroon na ng lapses ang PNP at DILG noong magsagawa sila ng premature presscon na nagtuturo at nagbanggit sa umano’y middle man na nakakulong sa Bilibid.
(Sos… Ginoo! dili paman diay sila sigurado! Noong itinuro ang middle man, bakit inanunsiyo agad sa media ang tungkol dito?) duda ko lalum ni ba hahay! Murag sakripisyo noon ang among kauban!
Abangan ninyo ito kaso kasi iinit pa ito kaya tototokan natin ito mga kamata! Kasali na dito ang malaking balasahan ng BOC ay ating tototokan ABANGAN…
Para sa inyong mga komento, reklamo at suhistiyon maari kayong tumawag or magtext sa hotline no. 09069153998, 09107611951 o mag email sa gagambino68@gmail.com
Comments
Post a Comment