KATARUNGAN PARA KAY PERCY LAPID
KAHIT SI PBBM ay hindi kumbinsido na tapos na ang kaso ng patraydor na pagpatay kay Percy Lapid.
Iniuutos ng Pangulo ang patuloy na imbestigasyon sa pagpaslang kay Ka Percy kahit na ininguso na ng ilang awtoridad si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang diumano'y utak sa pagtumba sa hard-hitting broadcaster/vlogger.
Mismong si Justice Secretary Boying Remulla ay naniniwalang wala nang mas malaking mastermind maliban kay Bantag.
Talaga lang ha, ser Boying?
Hindi ba nakapagtataka na super bilis mong tinapos ang imbestigasyon sa Percy killing?
Aba e kahit nga pamilya ni Ka Percy ay di basta makapaniwala.
“Hangga’t may natitira pong porsyento sa ginagawa ng NBI (National Bureau of Investigation) at PNP (Philippine National Police) ay hindi po kami titigil. In fact, natuwa nga po kami, kaninang umaga… mismong si Pangulong Marcos ang nagsabi na hindi pa ititigil ang imbestigasyon,” bulalas ni dating National Press Club (NPC) president Roy Mabasa na kapatid ni Ka Percy.
Percy Lapid ang nagsilbing "nom de guerre" o pandigmang pangalan ni Percival Mabasa sa kanyang radio program na Lapid Fire.
Dahil kaya sa P6.5 million na pabuya kung bakit tila simbilis ng kidlat na isinarado ang kaso?
Ito rin ang lumilitaw na dahilan ni Joel Escorial kung bakit siya sumurender at inaming siya ang gunman kasi natatakot daw siyang ligpitin.
Samantala, nagbanta si Bantag sa gobyerno at hindi raw siya pahuhuling buhay.
Itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging hepeng bastonero ng National Bilibid Prison (NBP) kung saan laganap ang droga at buhay-hari ang mga rich inmates na ang tawag ngayon ay Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ngayon, nadiin si Bantag bilang mastermind dahil sa kanyang maaring motibo at nagalit ito kay Ka Percy sa mga batikos nito sa kanyang "marangyang pamumuhay" na mahigpit niyang pinabulaanan.
Pero si Bantag nga kaya ang mastermind o merong "nasagasaan" si Ka Percy sa nakalipas nang matagal na panahon at kamakailan lang kinalos ang kanyang salop?
Teka, nasaan na kaya ang P6.5 million bounty?
@@@@@@@@@
Bahagyang kinabayo ng nerbiyos ang ilang mga kawani sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa reshuffle kamakailan na iniutos ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Subalit naniniwala naman na ang hakbang na ito ni Comm. Ruiz ay Lalo g mapabuti ang buong BOC.
Kaugnay nito ay wini-welcome natin sa Port of Cebu ang "balik pwerto" na si Atty. Elvira Cruz.
Tiwala tayo na tuluy-tuloy lang ang mataas na collection sa Port of Cebu sa inyong pagbabalik, Ma'am Elvie!
Good luck din kay Atty. Charlito Martin Mendoza na mula sa matagumpay na pamumuno sa Port of Cebu ay itinalaga sa Revenue Collection Monitoring Group (RCMG).
Advance Merry Christmas din pala sa masipag at macho gwapitong Deputy Commissioner Edward James Dy Buco ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG).
Ganundin sa mga masigasig na district collectors na si Maritess "Meeks" Martin ng Port of Subic, Kuyang Jun Barte ng Port of Zamboanga, Arnoldo "Boy" Famor at ang deputy niyang si Florante Ricarte ng MICP.
Sana huwag nang magtago sa media si District Collector Alexandra "Sandra Yap" Lumontad ng Port of Cagayan de Oro
Comments
Post a Comment