Coll. Famor, nakakagulat ang husay sa paglikom ng buwis!
TERIBLE! Nakakabilib! Nakakagulat! Kahanga-hanga! Kapuri-puri! At lalong kamangha-mangha!
Ito ang magkakasunod na salitang biglang pumasok sa aking isip at may paghangang pabulong na lumabas sa bibig habang sinusulat ang balitang ito nang matuklasang natin nasungkit na ni Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) District Collector Arnoldo "Boy" Famor ang kanilang annual over-target tax collection para sa buong taon (January to December) ng 2022.
Sa mahigit 2 dekadang karanasan ko bilang Customs beat reporter/columnist, 2 beses lang ako nakagawa nang ganitong istorya---na may natitira pang mahigit isang buwan bago matapos ang taon pero na-meet na ang kanilang taunang lagpas sa target na koleksyong buwis. Bago si Coll. Famor, kung hindi ako nagkakamali, nauna si Collector Marites "Meeks" Martin ng Port of Subic noong nakaraang 2021. October palang ay nakuha na ang annual over-target tax collection para sa 2021. Magkatulad na galing!
"Over-target na ang tax collection namin simula pa kahapon, November 17 para sa buong taon ng 2022. Bilyon na halaga rin ang tax collection surplus. Puwede pang tumaas hanggang December 31," sabi ni Coll. Boy Famor nang makausap ko sa Celfone. Nagulat ka ba, Parekoy Bobby Gambino Pontongan?
Aba, e, sino ba naman beteranong peryodista sa Adwana katulad ko ang hindi magugulat sa nakaka-wow na accomplishments ni Coll. Boy Famor sa paglikom ng malaking halagang buwis, samantalang sinasabing matumal ang import at export business bunga ng mataas na inflation, walang prenong pagtaas sa presyo ng petroleum products, bagsak na halaga ng piso kontra dolyar at patuloy na gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia na lubhang may negatibong apekto sa mga negosyo nang mayorya ng waterfront stakeholders sa bansa.
Ibang klase si Coll Famor. Markado ang ginawang ito! Mahirap kalimutan ang ipinakitang gilas. Tiyak mamamangha rin kayo, 'di ba, mga Parekoy Ratsador Live at Nestor Caguitla? Mantakin ni'yo, uulitin ko, November 18 palang ng 2022, lagpas sa target na ang kanyang annual (2022) tax collection gayung may natitira pang halos 37 working days (November 19-December 31) bago matapos ang nasabing taon. Nakakataba ng puso ang husay sa pagsisilbi para sa pagbibigay ng proteksyon sa interes ng ating gobyerno. Mahirap tapatan ang galing!
Ang nakakatuwa pa dito, puwede nang magrelaks ang naturang "intelligent and workaholic" Collector sa kanyang opisina habang kumukuyakoy ang mga paa sa pagkakaupo sa trono dahil nadale na ang taunang lagpas sa target na koleksyong buwis. Walang kaduda-dudang maitatala na naman sa mayamang kasaysayan ng Customs-MICP ito.
Kakaiba talaga ang talino't galing ni Coll. Famor para sa aktibong paglilingkod, partikular sa pagkolekta ng malaking halagang buwis. Bukod sa matinding dedikasyon sa trabaho, epektibo ang kanyang diskarte at istratehiya sa paghahanap nang pagkukuhanang buwis.
Lubhang napakahirap talaga maghanap ng tamang pamamaraan at kumolekta ng sapat na buwis sa kasalukuyang taon. Subalit kinaya nang powers ni Coll. Famor. Palibhasa'y eksperto sa pagbubuwis at mga batas ng Customs. Matalino! Magaling! Higit sa lahat, tapat sa tungkulin ang Big boss ng MICP. At Pursigido talagang mapuno ang kaban ng buwis ng kanyang puerto sa panahon ng kanyang pamumuno't pamamahala.
Mukhang malaki talaga ang aking tama nang sabihin natin may TAMA at hindi nagkamali si Comm. Yogi Felimon Ruiz nang italaga nito si Coll. Famor sa isang billionaire port gaya ng MICP. Panalo ang Customs lalona ang gobyerno kay Coll. Famor. Ano sa tingin ninyo? Tama o mali?
Congratulations, Coll. Boy Famor. Keep up the good work and more power! Sa totoo lang, malaking bentahe ang kahusayan at katapatan mo sa paglilingkod para sa agresibong kampanya ni Comm. Yogi Ruiz ukol sa pagpapalago ng koleksyong buwis ng Customs. Hindi ka nakakahiyang ipagmagaling! Mabuhay ka, Bossing! Salute!
May kumpletong datos. Abangan!
Comments
Post a Comment