MATA NI GAGAMBINO
KOLEKSIYON NG BOC KATUPARANG PROYEKTO NG PAMAHALAAN SINO SI DEPUTY COMM. ATTY EJ DY BUCO? HUBARAN NG MASKARA MGA TRAYDOR SA ADUANA! SINO NGA BA ANG PONCIO PILATO SA ADUANA? GULO RAW SA PIAD MARERESULBA KAYA?
DAPAT ALAM NINYO ITO?
Ito ay isang paalaala sa ating mga kababayan, dapat alam
ninyo na sa bawat sintibong buwis tax ika nga na kinokolekta ng ating mga
kawani sa Bureau of Customs (BOC) na pinangunahan ni Customs Commissioner Yogi
Felimon Ruiz at sa labing Pitong (17) District Collector sa buong Bansa, may
mga proyektong naisasakatuparan ang pamahalaan?
Ka’mata Ka’Aduana ito ay kasunod ng direktiba ni Pangulong
Bongbong Marcos, mas naging agresibo ang BOC na mapataas pa ang makukulektang
buwis mula sa mga produktong pumapasok at lumalabas sa ating mga pantalan at
paliparan sa buong bansa.
Bilang katibayan ditto mga Ka’aduana, sa ikalawang buwan pa
lamang ng Marcos administration ay nakamit na ang pinakamataas o highest
monthly collection record na umabot na sa mahigit P78.9 bilyon ang nakulektang
buwis ng Aduana na mas mataas ng 34.1% sa original target collection itinuka sa
kanila sa buwan ng Agusto.
Dagdag pa nito angsa BIR, ang Bureau of Customs ang isa sa
mga ahensiyang nagpapasok ng malaking pondo sa The National Treasury sa
pamamagitan ng online transmission, na walang dinadaanang kamay saan mang parte
ng BOC office sa buong bansa.
Kung iisipin mga ka’aduana sa pamamagitan ng P650 hanggang
P750 Bilyon na taunang koleksiyon ng Bureau of Customs, may magagamit ang
pamahalaan sa pagpapanatili ng peace and order,pagpapagawa ng mga kalsada, at
pagtatayo ng mga gusaling pang-paarala at sempre mga kagamitan sa pagamutan
tulan ng mga gamut at iba pa.
Kaya sama sama tayo lahat, IKAW, AKO, at ang buong KAWANI NG
ADUANA ay magkatuwang sa pagsusulong ng kaayusan at kaunlaran ng ating bayan,
MAGKAISA PO TAYONG LAHAT TUNGO SA MAUNLAD NG BANSA, ika nga “SA IKA-UUNLAD NG
BANSA, DISIPLINA ANG KAILANGAN!”
Ka’Mata, ka’Aduana kahit saang Angulo, kung ang pag uusapan
ay katotohanan, marami ang umaayaw ditto kasi nga nasasaktan sila at hindi nila
matatangap na sila mali at sinungaling.
Ito ang nangyayari sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC)
kung saan kahit pa sila ay nagtatrabaho alinsunod sa tama o sa medaling salita
sumunod s autos ng nakakataas, wala silang magawa kung sila ay sisiraan ng
ilang walang magawa sa buhay ang MARITES IN ACTION! Am I wrong?
Ditto tayo sa isang pilit sinisiraan, ngunit nananatiling
nakatayo at lumalaban sa ano mang bagyo sa buhay, makapagserbisyo lamang sa
taong bayan ng walang dugis at walang bahid na pagnanakaw o maanomalyang
trabaho.
Ang Lungsod ng Davao ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod
sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Ito
rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may
higit sa 2,444 kilometro kwadrado. Ang lungsod rin ang nagsisilbing sentro ng
Kalakhang Davao, ang pinakamataong sentrong urbano sa Mindanao.
Pagdating sa kalakalan ay ang Bureau of Customs Port of Davao
naman ang isa sa mga nagbibigay ng malaking buwis sa gobyerno.
Napakaraming umupo saPort of Davao na opisyales at kanilang
pinaganda ang sistema dito at isa na nga sa mga opisyales ay si Atty. Edward
James Dy Buco.
Ang kanyang magandang serbisyo publiko at pagiging marapat na
Kawani ang isa sa nagpayabong ng maganda koleksyon sa kasaysayang ng Port of
Davao.
Si Atty. Na ngayon ay Deputy commissioner EJ Dy Buco ay
naging Chief of Legal, Chief auction at Deputy Collector for Operations sa BOC
Port of Cebu noon at sa Port ng Davao naman, Chief of Staff, at kalaonan Deputy
Collector for Operations at Officer-in-charge na rin siya.
Habang Siya ay nasa Port ng Davao bilang isang legal Officer
ay wala man lang mga isyong kanyang kinasasangkutan sa lahat ng mga transaction
sa mga stakeholders sa Port of Davao dahil lahat ng proses ay Inilagay niya sa
Legal at dahil Doon ay nakitaan siya nga magandang record kayat nailagay siya
bilang Deputy Collector for Operation.
Kaya naman noong naging Depcollna siya, laloipinamalas ni
Atty Edward James Dy Buco Ang kanyang husay bilang Isang hepe ng operation,
ginawa niyang transparent lahat ng galaw sa Port ng Davao at lalong pinaganda
ang mga Port Area na nasa ilalim ng District Port ng Davao.
Dagdag nito, siya ang naging daan upang maging Isa sa
pinakamagdang Port sa bansa Ang Port Ng Davao, tinulungan Niya ang isang
pribadong port sa Davao Region ang DICT o Davao International Container
Terminal Inc. Na matatagpuan sa Brgy San Pedro, Panabo City.
Ang DICT ngayon ay isa sa
kauna-unahang Port sa bansa na nakakuha ng pinakamataas na status sa
pagpaparating ng mga legal na Container Van at tinalo pa Ang ICTSI na nasa
Metro Manila, bagamat Isa ito sa pinakamalaki Port sa Bansa sa Ngayon, ito ay
dahil sa tulong o pagiging public servant, Ika nga ni Deputy Collector for
Operation Atty EJ Dy Buco, Sinikap Niya na gumanda pa ang lahat ng takbo Ng
Bureau.
Sa ilalim Ng kanyang panunungkulan ay walang bahid dungis na
issue sa kanya o Walang korapsyon na issue sa kanyang pagkatao na kinasangkutan
bagkus Siya pa Ang naging daan upang maging legal Ang mga dating illigal at
naisaayos niya ang pagbabayad ng tamang buwis sa Port ng Davao.
Dahil sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ay
naging OIC District Collector Siya sa Port Ng Davao, na naging hakbang naman
ito upang Makita Ang kanyang napakagandang record ni Pangulong RRD at itinalaga
Siya bilang Deputy Commissioner ng AOCG.
Ang tulad ni Atty EJ Ang siyang hinahanap ng ating Pangulong
BBM bilang katuwang tungo sa malinis na Aduana at matagumpay na pamamalakad sa
pamamagitan ng kasabihang "SA IKA-UUNLAD NG BANSA, DISIPLINA ANG
KAILANGAN" na tamang tamang sa kanyang kataohan Ang naging disiplinado sa
pagsunod sa tamang batas Ng ating pamahalanaan.
Si Depcom. Dy Buco ay katuwang ni Customs Commissioner Yogi
Felimon Ruiz ngayon bilang Assessment and Operations Coordination Group (AOCG).
Sa ilalim niya ito ay nagtitipon at naglalathala ng mga halaga commodities
imported sa ating bansa at sinusubaybayan ang pagpapatupad ng rules and
regulations governingna namamahala sa assessment, end processing of goods for
exports, warehousing at support operations, auction and disposal activities.
Kaya naman dahil sa kanyang pagiging isang tunay na serbisyo
publiko ay napakaraming hanga sa kanya dahil siya ay marangal at malinis ang
pagkatao.
Siya ay isang Ilongo, kaya malambing at ang pagigigng mabait
niya at pagiging may takot sa Diyos ang nagpapatibay sa kanyang pagkatao. Kaya
mahal siya ng kanyang mga tauhan at buong pamilya.
Keep up the Good work Atty. James Dy Buco, Bro! Mabuhat ka.
God bless!
Ito ang nangyayari kadalasan sa loon ng aduana, kahit sino
pang nakaupong hepe ditto, kanya kanya palusot na sila kakampi, katuwang sa
hepe ng aduana, ngunit kalaonan siya o sila pala ang dahilan upang masisira ang
commissioner ng aduana, sino itong mga gonggong sa aduana na dapat nang
huhubaran ng iyong lingcod?
Dapat gumising na si Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz
upang kanyang kikilalanin ang mga nagkukuwaring kakampi ngunit sila pala ang
siyang dahilan upang malologmok ang bagong aduana.
Sa pinakahuling nasilip natin mga kaaduana, napakagulo po,
siraan ditto siraan doon bawat division kaya kanyang palusotan ng rason iisa
ang gusto nais sumikat at magpabango sa hepe ng aduana.
Samakatuwid kaaduana hugas lagi ng kamay, tulad ng ginagawa
ni Poncio Pilato noon ayon sa banal na kasulatan, kaya pala sinasabi nilang uy
nandyan na si Poncio Pilato ingat kayo maghuhugas kamay yan!
Simula kasi ng mawala si PIAD Chief gen. Datuin umiiba ang
takbo nito tanggapan na siyang nagbibgay ng balita tungkol sa kung ano ang
nagaawa nangyayari sa Aduana.
Hindi mo alam kung mayroon ilalabas na balita o wala kasi
minsan hating gabi lumalabas ang kanilang mga press release tuloy akoy
nagtatanong mayroon pa kaya akong makuha niyan na halos hating gabi na ilalabas
ang naturang balita?
Tulad kung magbibigay balita sa diaryo cut off time ko 2 pm
papaano ko maereport maesulat kung hating gabi na ilalabas ang balita?
Mayroon bang problema gulo sa PIAD bakit ngayon ganyan ang
kanilang paraan? Gising PIAD Gising nang sag anon hindi ko kayo aaraw arawin…
Para sa inyong mga reklamo at suhistyon maari kayong mag
email sa gagambino68@gmail.com o sa social media FB account na Bobbyjam
Gagambino tumawag or text sa hotline no. 09069153998, 09107611951
Comments
Post a Comment