Bistado ang mga Dorobo ng Ukay-ukay sa Customs!

KAMAKAILAN lang, sinasabing bulto-bultong used clothings o mas kilala sa tawag na "Ukay-ukay" (nasa mga larawan) na nakalulan sa 3X40 container vans ang umano'y bistadong "ninakaw" mula sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC)? Nagulat ba kayo? Opo!


Milyun-milyong pisong halaga ang naturang mga segunda manong damit na dinugas ng ilang tiwaling taga-Customs kasama ang kanilang kasabwat na isang operator nang nadiskubreng peke ang condemnation company.

Ang kuwento: Umano'y isang mataas na opisyal ng Customs at ang kanyang BFF na si alyas "Cortez," operator ng bogus condemnation company ang nagmaniobra sa milyun-milyon pisong halagang kumpiskadong iligal na mga "Ukay-ukay" na nailabas sa Port of Manila (POM), collection district ng Customs, kamakailan.

Sa halip sunugin ang "banned items" used clothings base sa kasunduan sa pagitan ng Customs at condemnation company operator matapos na ikonsiderang "condemned goods" dahil bawal ipasok ang mga ito sa bansa at makalabas ng Customs ports, idinidiliber daw ang segunda manong mga damit sa mga bodega ng kanilang parukyanong importers "con smugglers" kapalit ang limpak limpak na salaping ibinubulsa ng nasabing Customs official at Cortez.

Ang matindi dito, paanong nangyari na mayroong milyones na transaksyon sa Customs ang sinasabing nabistong pekeng kumpanya na pag-aari ni Cortez? Bukod sa hindi accredited ay walang kaukulang mga dokumento bilang katibayan na lehitimo at puwedeng mag-operate?
Malaking palaisipan, 'di ba?

Maraming taon na daw sa kanilang iligal na aktibidad ang 2 notoryus na kolokoy. Ang ibig sabihin lang nito, may kumukunsinti kaya namamayagpag sila sa mga pandarambong. At walang dudang marami rin ang nagkakameron sa nasabing illegal activities. Tama o mali?

Kaya pala bumabaha ang ukay-ukay sa halos lahat ng lugar sa buong bansa dahil bukod sa laganap ang iligal na pagpasok sa atin ay naipupuslit sa simpleng pamamaraan lang. Ang dapat sana'y nakatakdang sunugin, pinepera ng mga hinayupak na corrupt na taga-Customs at Cortez. Mga buwaya!

Para sa kaalaman ng mga regular na tumatangkilik sa ukay-ukay, baka hindi pa ninyo alam, sa ilalim ng ating batas, mahigpit ipinagbawal ang pag-aangkat o importasyon ng used clothings at iba pang kauring kagamitan dahil sinasabing nagtataglay ng iba't ibang klase ng sakit mula sa pinagmulan na mga bansa. Napatunayang peligro sa ating kalusugan ang mga nakakatakot na bakteryang nakakapit sa ukay-ukay. Hindi ba kayo natatakot magkasakit?

Pinag-iisipan natin mabuti kung dapat bang ibunyag ko sa publiko ang hawak kong listahan ng mga pangalan ng mga korap na taga-Customs na tinutukoy kakutsaba ni Cortez sa pandarambong. Maging ang consignee ng kumpiskadong mga damit na ito at pagkakilanlan ng mga negosyanteng pinagbentahan ng nakaw na used clothings. Ano sa palagay ni'yo, Ate Liza at Atty. Padrekoy? Hindi na ba kayo mapalagay?

Clue: Customs examiners at isang hepe ang mga partners ni Cortez sa kanilang bistadong garapalang modus at mga Tsinoy naman ang bumili ng mga ukay-ukay. Milyones ang naibulsang pinagpartehan ng mga kilabot na Dorobo buhat sa kanilang iligal na transaksyon. Petmalu!

May balita, ilang araw na lang mula ngayon ay uumpisahan na ni Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz ang maglinis ng kanyang bakuran. Ang mungkahi lang natin, sana unahin niyang walisin ang mga basurang dorobong ito na masahol pa sa anay na sumisira sa buong ahensya.

Mukhang batak na batak ang mga kolokoy sa paggawa ng ibat' ibang klase ng katiwalian. Eksperto! Magaling magpaikot ng tao! Madaling mag-isip ng mga kabulastugan. Tsk, tsk, tsk! Abangan!



Comments

Popular posts from this blog

BOC-ESS celebrates its 35th anniversary