Congrats sa tropa ni Atty. Mangaoang, P3.9-M High Grade Marijuana nasabat!

TAMA ang hinala ng alertong tropa nina Atty. Ma. Lourdes "Des" Mangaoang, Chief, Bureau of Customs (BOC) X-Ray Inspection Project (XIP) Unit kaya napigilan nang kanilang grupo ang iligal na drogang "KUSH" na tangkang ipuslit sa FedEx Warehouse sa paliparan.


Ang KUSH o mas kilala sa tawag na High Grade Marijuana ay idineklarang "Tabana Herbal Tea." May timbang na 2,378 grams at umaabot sa P3,923,700 halaga.


 Naka-consigned sa nakilalang si Jeric G. Herrera at nadiskubreng itinago sa 5 lata na nakapaloob sa isang (1) parcel o parsela mula sa California, United States of America.


Sinasabing lumitaw ang imahe ng KUSH nang dumaan sa X-ray scanning machines na nakadeploy sa FedEx nu'ng nakaraang April 11, 2023.


Ang kuwento pa, base sa naaninag na imahe sa x-ray machine, tamang duda ang XIP inspector na mga shabu o "methamphetamine hydrochloride" ang nakalagay sa loob ng 5 lata. Pero bagama't mali, tumama rin siya dahil naglalaman pala ng KUSH nang isagawa na ang 100 porsiyento examination sa kargamento noong April 12.


Mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng KUSH. Kaya sa malamang kesa hindi, may paglabag ang consignee sa ating batas kontra illegal drugs. May paglalagyan ito pagkatapos na sampahan ng inihandang kaukulang mga reklamo ng Customs-XIP Unit.


Kamakailan lang,

nakakabilib na naharang nang grupo nina Atty. Mangaoang ang mahigit P400 milyong halagang shabu na tangkang ipuslit sa Paircargo Warehouse, Pasay City noong March 20, 2023.


Ang shabu shipment ay aabot sa 58.63 kilos. Idineklarang spare parts at galing Conarky, Guinea. Dumating sa bodega ng Paircargo noong March 15.


Nakita ang imahe ng droga na nakalagay sa limang (5) yellow boxes nang lumitaw sa NAIA-X-ray machines habang ipinatutupad ni Customs examiner Gary Burgos ang 100% physical examination o regular X-ray screening para sa mga kargamento sa naturang bodega.


Natuklasan ang nagpadala ng shabu ay nakilalang si Diallo Sandaly ng Sonfonia Commune de Ratona Conarky, Guinea. At sinasabing ang consignee ay si Eduard Fajardo ng #149, Scout Limbaga Street Sacred Heart, Quezon City.


At sa tingin ko, nagkaroon na ng katapat sa katauhan ni Atty. Mangaoang ang notoryus na sindikato ng droga na aktibo ang operasyon sa Customs-NAIA.


At dahil si Atty. Mangaoang ang hepe ng XIP sa kasalukuyan, matutuldukan na ang masayang mga araw ng drug smugglers sa bakuran ng paliparan. Kasi, siguradong bago pa maipuslit, timbog na ang lahat ng palusot na iligal na droga sa mga puerto ng Customs. Nangyayari na ngayon, 'di ba? Tama o mali?


Congratulations, Guys! Mabuhay kayong lahat!



Comments

Popular posts from this blog

BOC-ESS celebrates its 35th anniversary